'No to gatekeeping' is our motto. Hindi namin isisikreto ang source ng good vibes, walang iba kundi ang "It's Showtime" kung saan legit ang kulitan at tawanan.
Magsisimula na rin ang pagtuklas sa mga sikreto ng OG "PBB Collab" housemates sa kanilang upcoming series. Dumalaw sa studio ang ilan sa cast members Brent Manalo, River Joseph, Xyriel Manabat, Esnyr, at AZ Martinez para sa isang nakakaintrigang patikim sa kanilang bagog palabas.
Dahil 'sikreto' ang pinag-uusapan, na-curious si Vice Ganda sa sikreto ni AZ. "Anong sikreto mo? Sinong jowa mo? Kayo na ni Ralph [de Leon]?" tanong ni Meme, na upated pala sa mga Siargao posts ng AZRalph sa social media. Kaya hirit ni AZ, "Sama ka sa susunod." Sagot naman ni Meme, "Ay, 'pag nasira pa relasyon n'yo, ako pa masisi."
Kung si Xyriel naman ang magbabakasyon sa Siargao, sino ang isasama niya? Ang sabi niya, wala, dahil solo trip ang bet niya. Kung si Esnyr, siguradong isasama niya ang kanyang "mahal."
At ano naman ang sikreto nina River at Esnyr, na may sariling fandom called VeNyr? Naki-join din ang AzVer duo sa 'Laro Laro Pick.'
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
