← Back to Home
Logic ngani! Vice, pinalusot ang mga sagot ng players sa You Gotta Lyric | It’s Showtime

Logic ngani! Vice, pinalusot ang mga sagot ng players sa You Gotta Lyric | It’s Showtime

Sa 'You Gotta Lyric,' kinakailangan na mapunan ang missing lyric ng Jaya hit na "Kung Kaya Ikaw Ang Aking Inibig. Pero ang plot twist? Pinalusot ni Vice Ganda ang mga maling sagot ng players. At idinaan sa 'logic' ang paliwanag.

🕒 2/5/2026, 7:37:13 AM296 wordsEN

ABS-CBN Studios

#You Gotta Lyric#Nanay Nhet#Wal aNa Bang Pag-ibig#Vice Ganda Nanay Nhet#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime Feburary 5 2026#

Kapag ang mga ganap ay spontaneous, tawanan at good vibes ay 'di mauubos! Naaliw ang Madlang People sa 'trip' ni Vice Ganda sa February 5 episode ng "It's Showtime."

Matapos makipagkulitan sa mga madlang players mula Alabang, game mode on naman ang everyone upang papremyo ay masungkit sa 'Laro Laro Pick.' Sa unang round, swerte ng players ay nakasalalay sa kahon na maapakan. Ang mga nakapili ng berdeng kahon lamang ang may 'go' signal na umabante sa susunod na laro, ang 'It's Giving' kung saan dapat maibigay ang titulo ng kanta base sa jumbled word clues.

Sa 'You Gotta Lyric,' kinakailangan na mapunan ang missing lyric ng Jaya hit na "Kung Kaya Ikaw Ang Aking Inibig. Pero ang plot twist? Pinalusot ni Vice Ganda ang mga maling sagot ng players. At idinaan sa 'logic' ang paliwanag. Katulad ni nanay Nhet, na natapat sa lyric na "wala." Dahil literal na wala siyang naisagot sa loob ng limang segundo, ang hatol ni Meme, "Tama! You stay. Bakit mo paaalisin, eh 'wala' nga 'yung sagot?"

Sa nawawalang salita naman na 'tuwa,' ang naisagot ni Jun ay 'lahat.' Kaya ang interpretasyon ni Meme Vice, "'Pag sinabing lahat, lahat 'yun. Anuman ang isagot mo, tama 'yun kasi lahat nga, eh. You stay."

Umasa si Jackie Gonzaga na magiging maganda rin ang kapalaran niya. Pero kahit sakto naman ang nabanggit niyang salita, ang hatol ni Meme Vice, "Wrong. Ang tamang sagot kasi 'iba.' Kung ang sinabi mo 'same,' eh 'di same sa tamang sagot."

Bago na 'yung rule?! Balikan ang mga ganap sa game arena, promise, gagaan ang pakiramdam mo kakatawa at malilimutan ang problema!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Logic ngani! Vice, pinalusot ang mga sagot ng players sa You Gotta Lyric | It’s Showtime | Cheezmis