← Back to Home
Vice Ganda, naniniwalang dapat maranasan ng mga politiko ang ‘hirap’ ng Pinoy | It’s Showtime

Vice Ganda, naniniwalang dapat maranasan ng mga politiko ang ‘hirap’ ng Pinoy | It’s Showtime

Vice Ganda, naniniwalang dapat maranasan ng mga politiko ang ‘hirap’ ng Pinoy | It’s Showtime

🕒 2/4/2026, 6:11:52 AM469 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeIs4You#Laro Laro Pick#Vice Ganda#politiko#hirap ng Pinoy#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Laughter and good vibes ang mainam na 'maintenance' para makaiwas sa lungkot. Dito po sa 'Laro Laro Pick' ang pila para sa ayuda! Special request ni Vice Ganda na maglaro ang mga lolo't lola sa February 4 episode ng “It’s Showtime,” kaya mga Senior Citizens from Quezon City ang bumida sa game arena. 

Grey hair is a crown of wisdom, 'ika nga. Masarap kakuwentuhan ang mga matatanda dahil palagi silang may iniiwan na aral at inspirasyon hango sa kanilang mga buhay na pinagtibay ng panahon. 

Napaisip si Vice Ganda kung may age limit ba sa pagkakaroon ng pangarap. Tinanong niya si Ka Dondoy kung ano pa ang pangarap nito. Sagot ng lolo, "Pangarap ko lang sa buhay 'yung makakain ang pamilya ko araw-araw. Mayroon din akong mga apo na nag-aaral, sana mapag-aral ko sila." Tinanong siya ni Anne Curtis kung ano naman ang pangarap niya para sa sarili, at tugon ni Ka Dondoy, "Gamot."

Hindi naitago ni Vice Ganda ang lungkot at pagkadismaya dahil sa narinig.   "Nakakalungkot na dito sa Pilipinas, kailangan pangarap 'yan. Eh, dapat bare minimum 'yan. Dapat araw-araw ang mga Pilipino ay gumigising nang hindi natatakot kung may kakainin sila. Hindi natatakot kung magkakasakit o kung may gamot ba sila, kung mayroon bang kama sa mga ospital, kung may sasaklolo ba sa kanila kung sakaling mapapahamak sila," sabi ng Unkabogable Superstar. 

"Dapat hindi na pinapangarap 'yan, eh kasi bare minimum 'yun. Pero dahil sa Pilipinas tayo nakatira, pangarap 'yan ng mga nakararami," pagpapatuloy ni Meme Vice. Nag-react din si Anne, "Dapat kasi doon napupunta ang mga taxes natin. Hindi lang naman sa daan pero it should go to healthcare. Para sa mga nangangailangan, libre ang gamot. Gano'n sa ibang bansa, eh."

Dagdag paalala ni Vice sa mga Pilipino, "Huwag n'yong kakalimutan dahil sa pagkakataon na may iniinda kayong sakit at wala kayong pambili ng gamot, maraming politiko ang nagpapagamot sa ibang bansa gamit ang pera ninyo."

"Kaya dapat 'yung mga nagkakasakit na politiko, dito rin pinapagamot sa Pilipinas. Pumila din kayo. Hintayin n'yo rin na may available na kama," suhestiyon ni Vice. "Masakit man pero dapat maranasan n'yo ang pait ng pagiging mahirap. Hindi kasi nila alam 'yun, eh, kung gaano kapait ang maging mahirap, 'yung maghihintay ka sa pila tapos kahit masakit na 'yun nararamdaman mo pababalikin ka kasi walang available na pasilidad."

Sumang-ayon si Ka Dondoy at sinabing sumali siya sa ‘Laro Laro Pick’ upang magbakasakali na makuha ang P350,000 jackpot prize. Kahit sa maliit na paraan, handa naman ang "It's Showtime" na maging tulay ng pag-asa ng mga Pilipino. Kaya sa 'Laro Laro Pick' jackpot round, nakatanggap ang madlang seniors ng magandang regalo mula kay Vice. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.