← Back to Home
PALABAN! Vice Ganda, hindi umubra sa katarayan ni Marj? | It’s Showtime

PALABAN! Vice Ganda, hindi umubra sa katarayan ni Marj? | It’s Showtime

Si player Marj, napalakas ang tawa. Agaw-eksena! Hindi naman siya inurungan ni Vice Ganda hanggang sa ang kulitan ay nauwi sa pabirong tarayan!

🕒 2/3/2026, 5:54:16 AM259 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Vice Ganda Marj Tarayan#Vice Marj Tarayan#Vice Marj Laro Laro Pick#Vice Ganda Marj Tarayan Laro Laro Pick#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime Feburary 3 2026#

Good vibes ay always pinagsasaluhan ng "It's Showtime" family at Madlang People sa FUNanghalian, katulad na lang nga mga eksena sa February 3 episode ng 'Laro Laro Pick' kung saan bumida ang mga taga-Valenzuela. 

Si player Marj, napalakas ang tawa. Agaw-eksena! Hindi naman siya inurungan ni Vice Ganda hanggang sa ang kulitan ay nauwi sa pabirong tarayan! "Nanay mo, kumakain ng 'adidas' na hindi na nail-cutter," paghahamon ni Meme kay Marj, na pumalag at sumagot, "Wala akong pakialam sa nanay mo!" Muntik pa ngang umabot sa sakitan!  

From laugh trip na 'puksaan' ay naging seryoso ang usapan nang kilalanin ng hosts si player Fe, ang nanay na inilalaban ang anak na si Saphire, na may pinagdaraanan sa kalusugan. Napansin ni Vice Ganda ang beauty ng dalaga. At kung ganda ang usapan, palaging 'bunot'' si Lassy diyan. Ibinida ni Lassy na minsan siyang sumali sa beauty pageant at nag-sample pa ng intro.  

Hindi nagpatalo si Meme Vice, na nag-isip din ng 'pageant intro' kung ire-represent niya ang Pilipinas. "Magandang tanghali sa inyong lahat. Ako po si Maria Cristina Minalas-Malas, ang babaeng walang kabwenas-bwenas, mula sa nag-iisang bansa na nakaranas na ang presidente at bise presidente ay ini-impeach parehas. Ang angas, PILIPINAS!" 

Quality, 'di ba? Nag-sample rin siya ng intro a la Miss Japan, "Mula sa bansa na 'pag nanood ka, ang video ay blurred minsan, Japan!" Nakakatawa! Kaya naman, Meme, heto ang korona!  

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.