Extra beautiful ang Tuesday sa “It’s Showtime” dahil kasali sa kulitan si Belle Mariano bilang guest co-host nina Vice Ganda, Anne Curtis, at Kim Chiu.
Join din bilang players sina Darren Espanto, Ryan Bang, Ion Perez, at ang tandem nina MC at Lassy. Habang unti-unting nalagas ang mga manlalaro, naging matibay ang swerte ni Darren, na tumagal hanggang 'You Gotta Lyric" round.
Si Belle ang naatasan na humawak ng microphone ni Darren, kaya 'di maiwasan ng dalawa ang magkulitan muna. Dahil sa pang-aasar ni Kim tungkol sa 'bulaklak,' napaamin si Darren na binigyan niya ng bulaklak si Belle noong mag-guest siya sa concert ng aktres.
Kaya naintriga si Meme Vice at napatanong, "Niligawan mo ba si Belle ever?" Nilinaw naman ni Darren na hindi siya nanligaw kay Belle, at sadyang close lang daw talaga silang dalawa.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
