← Back to Home
Vice Ganda, may pakiusap sa LGBT jackPOT winner na si Lars | It’s Showtime

Vice Ganda, may pakiusap sa LGBT jackPOT winner na si Lars | It’s Showtime

At bilang bahagi rin ng LGBT community, may pakiusap si Meme Vice kay Lars, "Unsolicited advice, 'yang pera na 'yan gamitin mo na sa edukasyon mo lang. I-save mo na kasi kumikita ka naman na... para lang masiguro mong makakatapos ka. Save your winnings today for your education."

🕒 1/28/2026, 6:31:56 AM350 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeQuality#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Lars#jackpot round#350k#Anne Curtis#Kim Chiu#Vhong Navarro#Darren Espanto#Amy Perez#Teddy Corpuz#Karylle#Jugs Jugueta#Cianne Dominguez#Lassy. MC#Ion Perez

Bitbit ang kanilang tapang, sumugod ang ilang residente ng Bacoor, Cavite sa 'Laro Laro Pick' game arena upang subukang sungkitin ang P350,000 jackPOT money, sa January 28 episode ng "It's Showtime."  

Kung ang lugar nila ay blessed sa mga nahuhuling yamang dagat, huling-huli rin ng players ang kiliti ng Madlang People at 'Showtime' family. Kahit si Vice Ganda ay sobrang naaliw sa mga manlalaro, lalo na kay Naneth, na para bang nagliliwanag ang awra.  

Pagkatapos ng kulitan, game mode on ang lahat upang maiuwi ang jackPOT! Ang working student at LGBTQ member na si Lars ang umabante sa final game. Habang tinatapos ang kursong Office Administration, rumaraket din siya bilang virtual assistant para tustusan ang pag-aaral at makatulong sa pangangailangan ng pamilya. Minsan ay naisipan niyang sukuan ang pangarap na diploma, mabuti na lang may mga kaibigan siyang handang palakasin ang loob niya.  

Pinatunayan ni Lars ang tapang ng mga Caviteño sa pagpili ng POT question, na tungkol sa pangalan ng karakter ni Karylle sa fantasy series na "Encantadia" noong 2005. Bakas ang kaba sa mukha ni Lars nang siya'y sumagot, "Sang'gre Alena," pagkatapos ay nagtatatalon sa tuwa at naluha nang sabihin ni Vice Ganda na tama ang kasagutan. Masaya si Lars dahil sigurado na ang pambayad niya sa tuition fee ngayong 3rd year hanggang sa ika-apat at huling na taon niya sa kolehiyo, at makakatulong pa sa inang labandera.  

At bilang bahagi rin ng LGBT community, may pakiusap si Meme Vice kay Lars, "Unsolicited advice, 'yang pera na 'yan gamitin mo na sa edukasyon mo lang. I-save mo na kasi kumikita ka naman na... para lang masiguro mong makakatapos ka. Save your winnings today for your education." 

"Please, ituloy mo ang pag-aaral mo. Tapusin mo 'yan para sa akin na hindi nakapagtapos," sabi rin ni Meme Vice kay Lars. "Pangarap ko 'yun, na madagdagan pa ang mga kasama namin sa community na nakapagtapos, may diploma at maipagmamalaki ang kanilang educational attainment." 

'Quality' good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.