← Back to Home
Kim Chiu, KINILIG at super HAPPY sa lovelife ni Maymay | It’s Showtime

Kim Chiu, KINILIG at super HAPPY sa lovelife ni Maymay | It’s Showtime

Kim Chiu, KINILIG at super HAPPY sa lovelife ni Maymay | It’s Showtime

🕒 1/28/2026, 4:46:09 AM244 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeQuality#Maymay Entrata#maymay lovelife#Anne Curtis#Kim Chiu#Vhong Navarro#Darren Espanto#Amy Perez#Teddy Corpuz#Karylle#Jugs Jugueta#Cianne Dominguez#Lassy. MC#Ion Perez

Patawid na tayo sa buwan ng FEB-ibig kaya marami ang excited lalo na 'yung mga magse-celebrate ng Valentine's Day nang masaya, katulad ni Maymay Entrata, na 'on fire' ang puso!

Sa January 28 episode ng "It's Showtime," muling nangabog ang awra at husay ni Maymay as she performed her new song "Masunog Man." Ibinahagi niya ang kuwento sa likod ng awitin, na hinugot daw sa isang mahalagang natutunan niya tungkol sa pag-ibig, "Kapag nagmahal pala tayo, dapat handa rin tayong masaktan." Sabi ng singer-actress,  na napapanood din sa teleseryeng “Roja,” naramdaman niya ang nakakapasong pakiramdam na ito nang pumanaw ang ina noong 2025. 

Ngayon naman ay nagliliyab ulit ang puso ni Maymay, but the glowing kind of fire that radiates joy! Dahil masaya ang relasyon niya sa non-showbiz boyfriend. Kamakailan nga ay nag-post siya ng 'monthsary' greeting para sa nobyo. At kung maligaya si Maymay, masaya rin para sa kanya ang kabigan at kapwa 'Bisdak' na si Kim Chiu. "Happy six months!" kinikilig na pagbati ni Kim, na super proud sa lovelife ng kanyang 'amiga.' 

Pero hindi rin nakatakas si Kim sa asaran nang tanungin siya ni Anne Curtis kung siya ba'y 'lover' o 'loved one.' Sagot ng Chinita Princess, "Ang gusto ko lang ay to be loved."

Nagpaparamdam na ang V-Day feels sa "It’s Showtime!"

'Quality' good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kim Chiu, KINILIG at super HAPPY sa lovelife ni Maymay | It’s Showtime | Cheezmis