← Back to Home
Vice Ganda, nagbigay ng tips para maging ‘BAKLANG QUALITY’ | It’s Showtime

Vice Ganda, nagbigay ng tips para maging ‘BAKLANG QUALITY’ | It’s Showtime

Dahil 2026 na, dapat mag-level up! Sabi nga ni Vice Ganda, hindi na uso ang ‘ganda-gandahan’ lang dahil mas in kung ika’y high standard, 'quality' person rin.

🕒 1/27/2026, 5:17:47 AM333 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Baklang Quality#Vice Ganda Baklang Quality#Vice Baklang Quality#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime January 27 2026#

Dahil 2026 na, dapat mag-level up! Sabi nga ni Vice Ganda, hindi na uso ang ‘ganda-gandahan’ lang dahil mas in kung ika’y high standard, 'quality' person rin. Paano nga ba ma-achieve ang pagiging 'quality'? Nag-share ng tips si 'Meme' sa January 27 episode ng 'Laro Laro Pick' sa "It's Showtime."

Isang malakas na hiyawan mula sa Madlang People ang sumalubong kay Meme sa studio. "Nabigla sila, nakakita sila ng baklang quality," reaksyon ni Meme, with full confidence, pagkatapos ay ‘finlex’ ang kanyang quality face card. Napatanong si Vhong Navarro kung paano maging 'quality,' at ang sagot naman ni Meme Vice, "Kailangan mayroon kang quality sleep, quality jowa, quality na unan." Biro pa niya, "Kasi kung mabaho ang unan mo at maraming laway, hindi quality 'yun."

Nakatuwaan din ni Meme na kilatisin ang 'quality' ng co-hosts niya. Kung si Vhong daw ay may 'quality' kutis, si Darren Espanto naman ay may quality OOTD (at dahil naka-hoodie si Darren, this calls for a 'Not Cute Anymore' trend, na pina-experience nila kay Anne Curtis).

Pero nang makita niya ang OOTD ni Jackie Gonzaga, ang naging komento ni Meme sa kanyang alaga, "Hindi mo malaman kung na-late sa marathon. Hindi mo malaman kung akala niya muse siya pero escort pala, 'yung ganu'n. Hindi ko rin malaman kung nagrerebelde sa akin 'to eh, minsan maayos, minsan gulong-gulo din ako." Dagdag na hirit ni Vice, si Jackie raw ang isa sa mga "causes of anxiety" niya.

Sa gitna ng kuwentuhan, napansin ni Meme na may hindi pala 'quality' sa look niya, "Hindi pa pala nakadikit 'yung ilalim ng buhok ko." Panoorin kung paano niya pasimpleng inayos ang wig!

Samantala, sa game arena, dapat i-aim ang quality na papremyo. Pinalakas ni Meme ang loob ng madlang players mula Pasig na piliin ang quality jackPOT money kaysa sa mas maliit na Li-Pot offer.

'Quality' good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, nagbigay ng tips para maging ‘BAKLANG QUALITY’ | It’s Showtime | Cheezmis