← Back to Home
BEST CHILD ACTOR! Lucas, nakaharap sina Jhong at Vhong sa aktingan! | It’s Showtime

BEST CHILD ACTOR! Lucas, nakaharap sina Jhong at Vhong sa aktingan! | It’s Showtime

BEST CHILD ACTOR! Lucas, nakaharap si Jhong at Vhong sa aktingan! | It’s Showtime

🕒 1/24/2026, 5:12:20 AM258 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeNCRegionalFinals#Laro Laro Pick#Lucas#Best Child Actor#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Acting#kaktingan#Vice Ganda

Truly deserve ni Lucas Andalio ang 'Best Child Performer' award na iginawad sa kanya ng 51st Metro Manila Film Festival para sa tagos-pusong pagganap bilang Angelo, ang 'anak' ni Mother Twinkle (Vice Ganda) sa pelikulang "Call Me Mother."

Minsan na rin niyang 'finlex' ang husay sa aktingan nang mag-guest sa "It's Showtime" segment na 'Laro Laro Pick' noong December 20, 2025. Nag-trend pa nga ang nakakatuwang banter nila ng unica hija ni Jhong Hilario, si Sarina, na hindi nakasagot nang tanungin ko pogi ba ang tatay niya. 

At dahil maraming na-in love sa cuteness, galing, at pagiging bibo ni Lucas, nagbabalik siya sa 'Laro Laro Pick' (January 24 episode) bilang guest co-host. Mga little stars din ang players sa game arena katulad nina 'Batang Cute-Po' Argus at Briseis, at ilang 'Goin' Bulilit' kids. 

Hindi inatrasan ni Lucas ang hamon na makipag-aktingan kina Vhong Navarro at Jhong. Si Meme Vice  naman ang kunwaring direktor. Sa unang eksena, ipinaliwanag ni Jhong kay Lucas na hindi siya ang totoong ama nito. Sa ikalawang eksena naman, humingi ng tawad si Vhong dahil palaging kulang ang oras sa kanyang anak na si Lucas. 

Pinabilib ni Lucas ang mga manonood sa husay niyang itawid ang eksena kahit on-the-spot. Ang bilis umiyak at buong-buo ang mga luha! Hindi maiwasan ng ibang tao sa studio na mapaiyak rin habang pinanonood ang impromptu aktingan. Talagang award-winning ang husay ni Lucas!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
BEST CHILD ACTOR! Lucas, nakaharap sina Jhong at Vhong sa aktingan! | It’s Showtime | Cheezmis