← Back to Home
Vice Ganda, naalala ang isang linya sa movie niyang 'Call Me Mother' | It’s Showtime

Vice Ganda, naalala ang isang linya sa movie niyang 'Call Me Mother' | It’s Showtime

Vice Ganda, naalala ang linya ni TWINKLE | It’s Showtime

🕒 1/22/2026, 5:45:38 AM363 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Its Showtime#Vice Ganda

Na-touch si Vice Ganda sa kuwento ng isang madlang player na sumali sa 'Laro Laro Pick.' 

Mula Hinulugang Taktak, mafo-fall ang swerte papunta sa mga madlang players na sumalang sa 'Laro Laro Pick' game arena. Kaya makisakay na rin sa trip ng mga taga-Antipolo na naghatid ng kasiyahan sa January 22 episode ng "It's Showtime."

Agaw-pansin ang nakaka-good vibes na awra ni player Rea, isang caddie sa golf club kung saan naglalaro si Ryan Bang with his friends. Ang ating oppa, nabigla sa pambubuking ni Rea, na sinabing galante siya at "mahilig sa magandang caddie." Napangiti na lang si Ryan, sabay depensa sa sarili, "Hindi ako 'yun!" 

Ipinagtanggol din ni Vice Ganda ang 'anak-anakan' niyang si Ryan, "Binata naman ang anako ko. Anong masama do'n?" Marami pang baon na kuwento si Rea sa tungkol sa kanyang trabaho.

Pero pagkatapos ng tawanan at kulitan, naging seryso ang usapan. Naibahagi kasi ni Rea na hindi sumasapat sa pangangailangan ng tatlong anak ang sweldo nila ng mister na construction worker. Bilang ina, ilang beses nang naranasan ni Rea ang mangutang, at 'yung hapdi sa puso kapag hindi naibibigay ang pangangailangan ng mga anak dahil kulang sa budget. 

Naalala tuloy ni Vice ang isang eksena nila ni Nadine Lustre sa pelikulang "Call Me Mother." Sa eksena, kinompronta ni Twinkle (Vice) si Mara (Nadine), ang biological mother ng anak-anakan niyang si Angelo (Lucas Andalio). "Natandaan ko 'yung linya ni Twinkle kay Mara," kuwento ni Vice, "Sinabi ko, 'Paano ka naging ina? Nangutang ka ba? Napahiya ka ba dahil may naniningil sa'yo tapos wala kang pambayad sa inutang mong pang-field trip ng anak mo?'"

Napaisip si Vice, ganito raw talaga ang tipikal na kuwento ng isang Pilipinang ina. "Kasi sa Pilipinas mas maraming mahirap na nanay kaysa sa nakakaluwag-luwag na nanay," sabi ni Meme. 

Gumaan naman ang loob ni Rea sa 'havey' jokes nina Vice Ganda, Jhong Hilario at Vhong Navarro. Nang makita ni Meme si player Louie, parang nakaharap daw niya si 'Tutoy,' ang kanyang kabataan. Madlang people, 'kalokalike' nga ba? 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, naalala ang isang linya sa movie niyang 'Call Me Mother' | It’s Showtime | Cheezmis