← Back to Home
GALLERY: HATAWesome dance battle ng Sexbomb, Streetboys at Showtime family sa MagPASKOsikat

GALLERY: HATAWesome dance battle ng Sexbomb, Streetboys at Showtime family sa MagPASKOsikat

Feel the hype sa mga larawang ito mula sa DANCEpasikat ng “It’s Showtime” squad at espesyal na mga bisita sa ikatlong araw ng kanilang weeklong 16 th anniversary celebration.

🕒 12/3/2025, 7:48:38 AM202 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#It’s Showtime 16th Anniversary#MagPASKOsikat#Kim Chiu#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Lassy#MC Muah#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Sexbomb Girls#Streetboys#It’s Showtime December 3

 Pataas nang pataas an hype meter sa MagPASKOsikat 16th anniversary special ng “It’s Showtime.” Pagkatapos ng RAPaandar at P-POP na Pak na music performances noong Lunes at Martes, isang HATAWednesday naman ang inihanda ng “It’s Showtime” family at special guests sa Day 3 ng MagPASKOsikat. 

DANCEpasikat ang peg ng Showtime squad sa December 3 episode, na binuksan ni Jhong Hilario sa pamamagitan ng Pattong, isang katutubong sayaw pandigma ng Kalinga tribe. 

From traditional to modern, nagPAKsikat ang duo nina MC Muah at Lassy sa isang fierce and fabulous "Amakabogera" performance, na sinundan ng isang nakakaliw na surprise dance act from Ion Perez kasama ang A-Teak dance crew. At kung sayawan ang labanan, syempre, hindi  aatras sa digmaan ang nag-iisang Queen of the Dance Floor, Kim Chiu. 

1t’s 6iving iconic ang paglabas sa stage ng The Sexbomb Girls led by Rochelle Pangilinan. At dahil sila ang 'mother' ng dance showdowns, dapat may dance floor duel; si Jackie Gonzaga ang kumasa. Samantala, ang synchronized dance number ni Vhong Navarro, parang salamangka na pinaglaruan ang ating mga mata. At para sa finale, throwback feels ang hatid ng grupo nina Vhong at Jhong na The Streetboys.

Silipin ang on-stage photos from MagPASKOsikat Day 3 sa gallery! 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.