MAYNILA -- Ang iba't ibang klase ng sayaw kasama ang iba't ibang dance groups ang bumida sa ikatlong araw ng "MagPASKOsikat" para sa pagdiriwang ng ika-16 na taon ng "It's Showtime."
Nitong Miyerkoles, nagpasikat ang iba't ibang dance group kabilang na ang SexBomb at Streetboys.
Sinimulan ni Jhong Hilario ang pagtatanghal sa pagsayaw ng "Pattong," tradisyonal na sayaw mula sa Kalinga tribe, kasama ang SFC Lahing Kayumanggi.
Humataw naman sina Lassy at MC sa saliw ng awiting "Amokagbogera" kasama ang Showtime Baby Dolls.
Kasama naman ni Ion Perez na humataw ang grupong A-Team, samantalang umindak si Kim Chiu kasama ang grupong Dance Royalties.
Nangibabaw ang sigawan nang lumabas na ang grupong SexBomb sa pangunguna ni Rochelle Pangilinan na humataw sa saliw ng kanilang mga pinasikat na awitin.
Nagsanib-pwersa naman ang SexBomb at si Jackie Gonzaga sa paghataw ng "The Spaghetti Song."
Kasama rin sa naging "dancepasikat" ang grupong FEMME MNL.
Sorpresa rin ang paghataw sa entablado ng grupong Streeet Boys na sinamahan ni Vhong Navarro. Napaindak ang lahat nang sayawin nila ang "Tootsie Roll."
Nagtapos ang pagtatanggal para sa ikatlong araw ng MagPASKOsikat sa pagsayaw ng "Beautiful Life."
P-pop groups nagpakitang gilas sa 'MagPASKOsikat' ng 'It's Showtime'
MGA KAUGNAY NA VIDEO:
