← Back to Home

Ang SAYAw SAYA! Sexbomb Girls, Streetboys at “It’s Showtime” family, nagDANCEpasikat; mga Bisdak, bumida sa Laro Laro Pick

To the highest level ang energy sa paghataw ng mga paborito nating dance groups at “It’s Showtime” hosts sa Day 3 ng MagPASKOsikat!

🕒 12/3/2025, 8:12:57 AM581 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#It’s Showtime 16th Anniversary#Showtime 16 years#MagPASKOsikat#Anne Curtis#Vice Ganda#Kim Chiu#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Lassy#MC Muah#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Sexbomb Girls#Streetboys#It’s Showtime December 3#Laro Laro Pick


Groove mo, show mo!  

Isang masayang HATAWednesday ang pumawi sa midweek blues ng Madlang People. 1t's 6iving one hundred percent ang energy sa "It's Showtime" studio dahil sa HATAWmazing collaboration ng “It’s Showtime” hosts at mga iconic dance groups na naki-party sa MagPASKOsikat Day 3 (December 3 episode) bilang bahagi pa rin ng weeklong 16th anniversary celebration ng programa.  

Ipinaalala ni Jhong Hilario ang ganda ng Philippine folk dance sa pamamagitan ng Pattong, isang katutubong sayaw pandigma ng Kalinga tribe.  

From traditional to modern, nagPAKsikat ang duo nina MC Muah at Lassy sa isang fierce and fabulous "Amakabogera" performance, na sinundan ng isang nakaka-hype na surprise dance act from Ion Perez kasama ang A-Teak dance crew. At kung sayawan ang labanan, siyempre, hindi  aatras sa digmaan ang nag-iisang Queen of the Dance Floor, Kim Chiu.  

Pataas nang pataas ang excitement nang lumabas sa stage ang The Sexbomb Girls led by Rochelle Pangilinan. At dahil sila ang 'mother' ng dance showdowns, dapat may dance floor duel; si Jackie Gonzaga ang kumasa. Samantala, ang synchronized dance act ni Vhong Navarro, parang salamangka na pinaglaruan ang ating mga mata. At para sa finale, throwback feels ang hatid ng grupo nina Vhong at Jhong na The Streetboys.



Sumayaw naman papasok ng "Laro Laro Pick" game arena ang mga Solid Showtimers mula Visayas, na wagas ang pagmamahal sa Showtime family. Umaraw man o umulan, hindi sila nang-iwan. Wala na sigurong mas magpapatunay pa sa loyalty ni Solid Showtimer Neckie kundi ang pagtatangol niya noon sa "It's Showtime."  

Sa pagre-reminisce, ni-reveal din ni Vice na ang unang edisyon ng "Tawag Ng Tanghalan" kung saan hinirang na kampeon si Noven Belleza ay dapat ipapalabas bilang independent talent competition sa ABS-CBN pero nagpasya ang management na gawin itong segment sa "It's Showtime" at siyang naging “life-saver” ng noontime show.  

Kinaaliwan din ang kuwentong 'Solid Showtimer' ng ibang players tulad ni  Joa na paboritong segment ang "That's My Tomboy" dahil nakaka-relate siya sa contestants. Si Cams naman, mukhang "Step In The Name of Love" ang bet laruin, at si Joa ang gustong piliin. Nakakuwentuhan din nina Vice, Anne Curtis, at Vhong  si Solid Showtimer Fatima, na kalaunan ay sinuwerteng makapasok sa jackpot round kung saan isang milyong piso ang nakataya.  

Naging seryoso ang usapan sa final game nang hikayatin ni Vice si Fatima na lakihan pa ang pangarap at huwag makuntento sa "bare minimum" na ibinibigay ng gobyerno. Sabi ni Vice, hindi siya magsasawang paalalahanan ang mga Pilipino na mag-demand ng mas maganda at malaking serbisyo mula sa pamahalaan, at aniya, malaki ang papel ng Gen Z bilang tulay ng pagbabago. 

Sa kalagitnaan ng tawaran, kung saan umabot sa P300,000 ang Li-Pot offer, para bang pinalakas ni Vice ang loob ni Fatima na piliin ang one-million POT question  "Paano 'pag sinabi ko sa'yong madali lang ang tanong," sabi ni Vice Ganda. Pero si Fatima, hindi na sumugal pa at nakuntento na sa P300,000, na malaking tulong na para maipagwa ang kanyang dream house sa Bohol.  

Ang isang Solid Showtimer na tulad ni Fatima, saan man makarating, bitbit pa rin ang pag-asa at saya. Dahil ganyan din ang “It’s Showtime” na kahit saan dalhin ng panahon, palaging babangon. Ganyan lang ang buhay, parang sayaw na sasabayan mo lang ang tutog! 

Abangan ang next batch of exciting performances sa MagPASKOsikat at inspiring stories sa special edition ng Laro Laro Pick.  

Mapapanood ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Ang SAYAw SAYA! Sexbomb Girls, Streetboys at “It’s Showtime” family, nagDANCEpasikat; mga Bisdak, bumida sa Laro Laro Pick | Cheezmis