Christmas is truly the season of reunions! Sa “It’s Showtime” studio, muling nagsama-sama ang ilan sa paborito nating ex-“PBB Collab” housemates na kasali rin sa Metro Manila Film Festival 2025 entry "Call Me Mother," na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre.
Para i-promote ang pelikula, nakisali sa ‘Laro Laro Pick’ game arena sina Brent Manalo, Mika Salamanca, Esnyr, River Joseph, Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman. Kasama rin ang kanilang co-stars na sina John "Sweet" Lapus, Robert Ortega, at MC Muah.
Siguradong na-miss ng fans ang kulitan moments ng “PBB Collab” squad, na mas pinasaya pa ni Meme Vice. Nabunot sa ‘okrayan’ ang OOTDs nina Esnyr at Klarisse. Si River naman ay pinag-flex ng kanyang dance moves, samantalang si Shuvee ay itinodo ang energy sa kanyang pagbabalik-Showtime.
Sagot naman nina Mika at Brent ang natural na kiligan. Hirit ni Meme, huwag na huwag maghihiwalay, nang literal, ang MikBrent. Huwag talaga! Forever duo, ‘di ba?
Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime," Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
