Six days before Christmas, dalawang duos muli ang nagpakitang-gilas at nagpamalas ng lakas bilang mga mang-aawit sa 'TNT Duets' segment ng "It's Showtime."
Inulan ng papuri ang performance nina Ian Manibale at Jezza Quiogue na nag-ala KZ Tandingan at TJ Monterde sa pagkanta ng "Palagi." Sa kuwentuhan pagkatapos ng kantahan, tinanong ng hosts sina Ian at Jezza kung ano ang paborito nilang 'palagi' tungkol sa isa't isa. At mas lumakas pa ang kilig at tuksuhan dahil sa kanilang mga sagutan. Sabi ni Ian, paborito niya ang mga ngiti na palagi niyang nakikita kay Jezza. Samantala, inamin ni Jezza na isa si Ian sa mga 'palagi' niyang nasasandalan.
Pagdating naman sa komento nina JM Yosures, Jonathan Manalo at Punong Hurado Louie Ocampo, iisa ang kanilang opinyon tungkol sa malakas na chemistry ng pares. "Feeling ko nga hindi kayo contestant, para kayong mag-jowa, eh. Naramdaman ko 'yung love. It was really nice," sabi ni Maestro Louie. Dagdag niya, "technically challenging" ang piyesa para kay Jezza, pero hindi na niya ito pinansin dahil sa "closeness" ng dalawa.
Para naman kay hurado JM, naramdaman niya ang kaba "pero ito 'yung nerves na parang ikinakasal." Ginamit niya ang salitang "vulnerability" para ilarawan ang awkwardness sa pagitan ng pares, na parang mas nagbigay pa nga raw ng magic sa buong performance.
Sa huli, itinanghal na daily winner ang 'Jezian' tandem sa score na 95.3% laban sa 91% na nakuha ng duo nina Eduardo De Leon at Cassie Casimiro.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime," Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
