Pitong araw bago ang Araw ng Pasko, busy ang lahat–mga estudyante, mommies, mga empleyado, pamilya't magkakaibigan–sa mga Christmas parties na kaliwa’t kanan. May potluck, may exchange gifts!
Nang mapag-usapan ang school Christmas party sa "Laro Laro Pick" segment ng “It’s Showtime” kung saan bumida ang mga stall owners/sellers, naalala ni Vice Ganda ang 'traumatic' experience noon sa mga parties bilang estudyante. "Kasi may exchange gift," pagsisimula ni Vice. "Hindi naman lahat ng times mayroon akong pang-exchange gift."
"Wala 'yang pinagkaiba sa kapag may contribution sa school kinakabahan ka, 'Contribution na naman, wala akong iaabot.' Tapos 'pag nag-roll call, tapos wala kang pambayad 'di ba na-e-embarass ka?" pagbabahagi ni Meme. “Gano'n din sa Christmas party kapag wala kang pang-exchang gift."
Kaya nauunawan ni Meme kung gaano kasarap sa pakiramdam ni player Joy, isang solo parent, kapag naibibigay ang pangangailangan at gusto ng mga anak, lalo na ngayong Pasko.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime," Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
