Na-CUTE po! Good vibes ang hatid ng mga cutie kids na nakisaya sa isang espesyal na edisyon na Laro Laro Pick sa "It's Showtime." Mas ramdam talaga ang magic ng Pasko kapag mga bata ang nag-share ng kanilang Christmas wishes na galing sa puso. At ramdam ang fun dahil sa no-filter nilang kulitan moments at mga sagutan.
Ang unica hija ni Jhong Hilario, na si Sarina, ang pinakabata sa grupo. Pero kahit siya ang pinakamaliit, hindi dapat 'ismolin' ang kanyang talent at nakakatuwang mga hirit. 'Yun nga lang, nang tanungin siya ni Lucas Andalio kung pogi ang tatay niya, nakakatawang na-speechless si Sarina. But her face said it all! Ang cute mo, Sarina, so adorable!
Si Lucas ang gumaganap na 'anak' ni Vice Ganda sa MMFF 2025 entry "Call Me Mother." Bago ipalabas ang pelikula, nag-guest co-host muna siya December 20 episode ng "It's Showtime." Samantala, naglaro rin ang na-miss nating mga 'Batang Cute-po'–sina Argus, Kelsey, Kulot, Jaze, Enicka, at Briseis. Si Imogen naman ang leader sa kantahan sa 'You Gotta Lyric' round.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime," Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
