Maagang pamasko ang handog ng “It’s Showtime” sa mga typhoon victims mula Isabela, Catanduanes, at Aurora na sumalang sa “Laro Laro Pick.”
Ang iba ay halos mabura ang tahanan at nawalan ng mahal sa buhay dahil sa sunod-sunod na bagyo. Kaya naman kailangan nila ng tulong upang muling makabangon. Bukod sa P10,000 na maagang ipinamigay bago magsimula ang games sa “Laro Laro Pick,” umulan pa ng mas maraming papremyo. Ang mga nakarating sa dulo ng laro, nakaipon ng P16,000.
Isang lucky player ang nakakuha ng P300,000 Li-Pot offer sa jackpot round. Mas bumuhos naman ang luha at saya sa buong studio nang ipamigay ni Vice Ganda ang natitirang P700,000 mula sa P1 million jackpot money. Ang P700,000 ay paghahati-hatian ng remaining players na mga typhoon victims. Nagtapos ang segment sa isang heartwarming group hug at mensahe ni Meme sa mga calamity survivors.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
