← Back to Home
MANIFESTING! Vice Ganda, naniniwalang GEN Z ang pag-asa ng bansa | It’s Showtime

MANIFESTING! Vice Ganda, naniniwalang GEN Z ang pag-asa ng bansa | It’s Showtime

Vice Ganda, naniniwalang GEN Z ang pag-asa ng bansa

🕒 12/15/2025, 3:00:45 PM239 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#It's Showtime 16th Anniversary#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Anne Curtis#Gen Z

Isang masayang HATAWednesday ang pumawi sa midweek blues ng Madlang People. 1t's 6iving one hundred percent ang energy sa "It's Showtime" studio dahil sa HATAWmazing collaboration ng hosts at mga iconic dance groups na naki-party sa MagPASKOsikat Day, (December 3, bilang bahagi pa rin ng weeklong 16th anniversary celebration ng programa. 

Sumayaw rin papasok sa "Laro Laro Pick" game arena ang mga Solid Showtimers mula Visayas, na wagas ang pagmamahal sa Showtime family. Umaraw man o umulan, hindi sila nang-iwan. 

Naging seryoso ang usapan sa final game ng “Laro Laro Pick” nang hikayatin ni Vice si Solid Showtimer Fatima na lakihan pa ang pangarap at huwag makuntento sa "bare minimum" na ibinibigay ng gobyerno. Sabi ni Vice, hindi siya magsasawang paalalahanan ang mga Pilipino na mag-demand ng mas maganda at malaking serbisyo mula sa pamahalaan, at aniya, malaki ang papel ng Gen Z bilang tulay ng pagbabago. 

Samantala, sa kalagitnaan ng tawaran, kung saan umabot sa P300,000 ang Li-Pot offer, para bang pinalakas ni Vice ang loob ni Fatima na piliin ang one-million POT question "Paano 'pag sinabi ko sa'yong madali lang ang tanong," sabi ni Vice Ganda. Pero si Fatima, hindi na sumugal pa at nakuntento na sa P300,000, na malaking tulong na para maipagwa ang kanyang dream house sa Bohol. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
MANIFESTING! Vice Ganda, naniniwalang GEN Z ang pag-asa ng bansa | It’s Showtime | Cheezmis