← Back to Home
Bayanihan at pagkakaisa, bida sa ABS-CBN 2025 Christmas ID na “Love, Joy, Hope: Sabay Tayo Ngayong Pasko”

Bayanihan at pagkakaisa, bida sa ABS-CBN 2025 Christmas ID na “Love, Joy, Hope: Sabay Tayo Ngayong Pasko”

Inilunsad na ng ABS-CBN ang star-studded 2025 Christmas ID nito na pinamagatang “Love, Joy, Hope: Sabay Tayo Ngayong Pasko.”

🕒 11/17/2025, 5:40:00 PM261 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Love Joy Hope Sabay Tayo Ngayong Pasko#Love Joy Hope#Sabay Tayo Ngayong Pasko#ABS-CBN Christmas ID 2025#ABS-CBN Christmas Station ID#Kapamilya Christmas ID#Ricardo Cadavero#Cardong Trumpo#Perlita Guerrero#Melanie Reyes Figueroa#Martin Riggs#Fr. Errol Fidel Mananquil#Richmond Seladores It’s Showtime#FPJ’s Batang Quiapo#What Lies Beneath#Sins of the Father#Your Face Sounds Familiar#Pinoy Big Brother#ASAP#Roja#The Alibi#Someone Someday#Coco Martin#Vice Ganda#Judy Ann Santos#Kathryn Bernardo#Daniel Padilla#Gerald Anderson#Jake Cuenca#Jericho Rosales#Janine Gutierrez#Sarah Geronimo#Charo Santos#Sharon Cuneta#Gary Valenciano#Regine Velasquez#Martin Nievera#Ogie Alcasid#BINI#BGYO

Inilunsad na ng ABS-CBN ang star-studded 2025 Christmas ID nito na pinamagatang “Love, Joy, Hope: Sabay Tayo Ngayong Pasko” na nagbibigay pugay sa mga makabagong bayani, pagkakaisa, at bayanihan.

Hango ang 2025 Christmas ID sa mga kwento nina "Pilipinas Got Talent" season seven winner na si Ricardo “Cardong Trumpo” Cadavero na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya; Dumagat tribal chieftain Perlita Guerrero na naghahangad ng magandang buhay para sa kanilang tribo; “Teacher Santa” Melanie Figueroa na tinutupad ang mga hiling ng kanyang mga estudyante; The Busking PH founder Martin Riggs na ginagamit ang kanyang musika para makatulong sa mga nangangailangan; Father Errol Fidel Mananquil na nagaaruga sa mga ulila;at ni youth leader Richmond Seladores na nagbibigay ng tulong at suporta sa mga biktima ng kalamidad. Isa rin itong pasasalamat sa mga ordinaryong mamamayan na nagsisilbing inspirasyon at tagapaghatid ng pagmamahal, saya, at pag-asa sa kanilang mga komunidad.

Sa pagpapatuloy ng tradisyon nito, nagtipon-tipon ang mga pinakamaningning na Kapamilya stars at personalities upang bigyang buhay ang 2025 Christmas ID na pinangunahan ng ABS-CBN Creative Communication Management, sa pamumuno ni Robert Labayen, kasama si ABS-CBN COO Cory Vidanes, katuwang sina Jay Dustin Santiago, Love Rose De Leon, Lawrence Arvin Sibug, Revbrain Martin, Maria Lourdes Parawan, Mark Raywin Tome, Sheryl Ramos, Paolo Emmanuel Ramos, Edsel Misenas, at iba pa.

Ang musika ay ginawa at inareglo nina Raizo Chabeldin, Biv De Vera, Jessie Lasaten, at Francis Salazar, habang ang vocal supervision ay pinangunahan ni Jonathan Manalo.

Damhin ang saya at init ng paskong Pilipino—mapapanood ang ABS-CBN 2025 Christmas ID sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Bayanihan at pagkakaisa, bida sa ABS-CBN 2025 Christmas ID na “Love, Joy, Hope: Sabay Tayo Ngayong Pasko” | Cheezmis