← Back to Home
Vice Ganda at Eugene Domingo, may patikim na 'INTENSE ACTING' para sa Madlang People | It’s Showtime

Vice Ganda at Eugene Domingo, may patikim na 'INTENSE ACTING' para sa Madlang People | It’s Showtime

🕒 12/19/2024, 5:24:42 AM603 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Itaas ang kamay kung ubos na ang Christmas bonus! Pikit-mata na lang, basta ang mahalaga, mapasa ang mga reregaluhan. Bawi na lang ulit sa pagkayod next month. 

Ililibre muna kayo ng "It's Showtime" sa isang Christmas concert with Kapuso singer Garrett Bolden. It's the season of raket para sa mga performers, kaya naman ang hirit ng "It's Showtime" family, pa-lechon ka naman, Garrett! 

Mukhang si Jackie Gonzaga, manlilibre rin dahil balita namin sikat na sikat si 'Ate Girl' sa kan'yang hometown sa Antipolo. Ano nga 'yung nakita mo sa Antipolo, Kuys Jhong Hilario?

Star-studded ang hulaan for today's video dahil "And The Breadwinner Is" co-stars ni Vice Ganda ang nakihula at nakigulo. Sina Gladys Reyes at Eugene Domingo, with Kokoy de Santos at Via Antonio ang kikilatis sa tatlong trabahador para hanapin ang tunay na breadwinner kubrador. 

Dahil mahuhusay sa aktingan, impromptu skit agad-agad ang kaganapan sa pagpasok ng cast. Finlex din nila ang husay sa 'kilos' round kung saan naka-eksena nila ang mga breadwinnables. Si Gladys, ipinatikim ang kan'yang iconic sampal? Si Eugene, napasabak sa isang Italian linyahan with Breadwinnable 2. Samantala, luha ni Breadwinnable 3 ay totoong dumaloy sa eksena with Via and Kokoy. 

Hirit ni Vice Ganda, migraine na malala ang dinanas niya sa husay ng mga kasama sa pelikula. Meme, talaga ba? Ang alam namin, hindi magpapatalo ang isang Vice Ganda!

Mali man ang hula, winning experience pa rin ang makilala at ma-inspire sa kwento ni Breadwinnable 1. Sa kanilang tahanan, umiikot ang pagbibigayan at pagmamahalan. Kwento ni Breadwinnable 1, Margielyn, siya ang pang-apat sa anim na magkakapatid. Nagkaroon ng diplom sa tulong ng panganay na kapatid, ang original breadwinner of the family, na nagsakripisyo bilang OFW. Pero nang mag-asawa ang Ate, si Margielyn na ang nag-step forward for the family.

Makakapag-asawa pa ba siya kung ang sumunod niyang kapatid ay may 'special needs'? 'Di bale na, basta’t ibibigay niya ang buong puso at oras para sa pamilya hangga't kaya, dahil ito ang paraan niya ng pagpapakita ng pagmamahal at pasasalamat na rin sa sakripisyo ng Ate na nagtaguyod sa kan'yang pag-aaral. 

Ramdam man ang pagod sa pagkayod, pag-aalaga ng pamilya, lalo na ng ina, ang nagsisilbing lakas niya. 'Yung simpleng "anong gusto mong ulam?" at "kumusta ka?" ay laging sapat na para mapawi ang hirap na nadarama. Si Margielyn, isang breadwinner–pagod pero masaya. 

Kung mayroon kang pangarap, never give up, parang mga estudyanteng matapang na humarap sa hamoon ng "Tawag Ng Tanghalan The School Showdown."

Sabi ni hurado Kyla, tone ang vibrato ang good points ni St. Joseph's College of Quezon City student Angela Ragasa. "Lose Control," napili n'yang piyesa, pero she will never lose control of her dream na maging mahusay sa pagkanta. 

Kumutitap naman ang galing sa singing ni Alexa Lim sa pagkanta ng "Chandelier" ni Sia. One, two, three, sa hamon ng entablado siya'y always ready. Power belter kung ilarawan ni hurado Darren Espanto ang contender. 

Sa huli, ang nakakuha ng mas mataas na marka ay si Alexa. Siya ang aabante sa Prelims.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda at Eugene Domingo, may patikim na 'INTENSE ACTING' para sa Madlang People | It’s Showtime | Cheezmis