May nagbabalik, kaya ang Madlang People ay nasabik. Huwebes ay extra happy, mga bes! Good vibes ay hindi nag-hold back because Vice Ganda is back!
Present na si Vice Ganda sa August 6 episode ng "It's Showtime." With full energy para ang banter ay mas havey, Vice hosted the Miss Q and A segment with Jhong Hilario at Vhong Navarro.
Kung na-miss n'yo ang bardagulan at puksaan ng trio, heto na, walang kulang! Sa haba man ng kuwentuhan with candidates Divine Geralde, Vavaing Vurdado, at Mentoy Alexa Ang, sa Tumpak Ganern round pa rin ang tuloy. Pero kung gaano kahaba ang chika, na-extend din ang tanungan dahil sa mga nakakalokang sagot ng mga kandidata.
Struggle is real ang ma ‘accla’ sa tawag sa baby Elephant, at pati sa lugar sa Bulacan kung saan sumasayaw ang mga babaeng humihiling na magka-anak. At ang iconic quote ni Julius Caesar, nabago na pala?!
Hirit ni Meme Vice, "Ang sakit sa bangs!" Pero bumawi naman sa Wit Lang round ang dalawang kandidatang pasok sa chukchakan, sina Mentoy at Vavaing Vurdado.
Nabunot ni Mentoy ang tanong na, "Payag ka ikaw si Darna pero hollow blocks ang lulunukin mo?" Talak ni Mentoy, hindi naman kailangan lumunok ng hollow blocks para magampanan ang papel bilang hero. Parang bumaliktad ang mga pangyayari, dahil ang performance ni Mentoy, bawing-bawi! Satisfied at masaya si Meme!
Samantala, good job din si Vavaing Vurdado na napili ang tanong na, "Payag ka ikaw si Superman pero paglipad mo una paa mo?" bagama't naghanap si hurado Nicole Cordoves ng kaunting playtime sa sagot nito.
Sa dulo, wagi si Mentoy bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
