Dalawang Pinoy talents ang makakasama sa bagong seasons ng American series na "Avatar: The Last Airbender."
Dual role ang gagampanan ng award-winning actress na si Dolly De Leon sa season 2 bilang kambal na sina Lo at Li, na royal advisers ni Princess Azula.
Tampok naman sa season 3 ang Filipino-American na si Jon Jon Briones, na gaganap bilang si 'Piandao'. TV Patrol, Miyerkules, 21 Mayo 2025.
