← Back to Home
Drag superstars, 'Showtime' hosts, nagpasaya sa MagPASKOsikat

Drag superstars, 'Showtime' hosts, nagpasaya sa MagPASKOsikat

Drag superstars, 'Showtime' hosts, napgasaya sa MagPASKOsikat

🕒 12/5/2025, 6:17:13 AM346 wordsEN

Reyma Deveza

#MagPASKOsikat#Vice Ganda#drag queens#drag superstars

MAYNILA --  Kakaibang saya at tawanan ang naging hatid ng mga host ng "It's Showtime" kasama ang mga magagaling na drag superstars para sa ika-limang araw ng "MagPASKOsikat."

Nitong Biyernes para sa pagdiriwang ng ika-16 taon ng "It's Showtime," napuno ng ngiti at halakhakan ang programa nang maging draq queens ang mga host nito.  

Pinangunahan ni Vice Ganda ang bonggang drag performance bilang si Fanothra Phenomena na inawit ang "Queen" ni Todrick Hall.



Nagpatuloy ang "dragpasikat" sa pagtatanghal Ogie Alcasid bilang si Chona Agachona, kasama ang mga drag queens na sina Eva Le Queen at Turing kung saan inihataw nila ang pagsayaw at pag-lip-sync ng "I Wanna Dance with Somebody" na pinasikat ni Whitney Houston. 

Sunod naman ang drag performance ni Teddy Corpuz bilang si Grande Ilongga kung saan sinamahan siya nina Popster Bench and Shewarma sa pag-lip-sync ng "Abracadabra" ni Lady Gaga.

Hindi rin nagpahuli sa pagda-drag si Ryan Bang bilang si Eonnie Batungbakal, kasama niyang ni lip-sync ang "APT." nina Rosé at Bruno Mars sina Khianna at Angel Galang.

Hindi rin nagpahuli si Jugs Jugueta nang mag-transform siya bilang si Erica Eureka. Kasama niya sa pag-lip-sync ng "My Heart Will Go On" ni Celine Dion sina Hana Beshie at Arizona Brandy.

Hiyawan naman ang madlang people sa paglabas ni Vhong Navarro bilang si Glutanya Lopez kung saan inihataw at ni-lip-sync nito ang "Material Girl" ni Madonna, kasama sina Matilduh at Minty Fresh.

Matinding hatawan naman ang pinamalas ni Jhong Hilario bilang si MataMorphosis kasama sina Precious Paula Nicole at Viñas Deluxe sa saliw ng "Run The World (Girls)" ni Beyonce. 

Nakasama rin sa "dragpasikat" ang grupong FEMME MNL.

Sa huli, nagsama-sama sa pagrampa ang lahat sa pangunguna ni Vice Ganda na inawit ang "Rampa."  



Nagpatuloy naman ang saya at tawanan matapos ang pagtatanghal para sa "MagPASAKOsikat" nang isa-isa nang magpakilala ang mga drag superstars at ang mga hosts na naging drag artists nitong Biyernes.

OPM rock icons, nagpasiklab sa 'MagPASKOsikat' ng 'It's Showtime'

SexBomb at Streetboys, bumida sa 'MagPASKOsikat' ng 'It's Showtime'

P-pop groups nagpakitang gilas sa 'MagPASKOsikat' ng 'It's Showtime'


MGA KAUGNAY NA VIDEO:



Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Drag superstars, 'Showtime' hosts, nagpasaya sa MagPASKOsikat | Cheezmis