← Back to Home
'Tao Po' : Elijah Canlas niregaluhan ng kanta ang girlfriend na si Miles Ocampo

'Tao Po' : Elijah Canlas niregaluhan ng kanta ang girlfriend na si Miles Ocampo

Isa raw sa mga pinakamagandang kanta na isinulat ni Elijah ang 'Loved Song' na iniregalo niya sa kanyang girlfriend na si Miles Ocampo.

🕒 3/1/2025, 8:34:22 AM231 wordsEN

ABS-CBN News

#Tao Po#current affairs#tagalog news

Iba't ibang genre at karakter na ang nagawa ng award-winning actor na si Elijah Canlas. 

Patunay ang sunud-sunod na pagganap sa mga serye gaya ng FPJ's Batang Quiapo, Senior High, High Street at Incognito na isa siya sa mga in-demand lead at character actor ng kanyang henerasyon.

 Pero sa ngayon, nais sana ni aktor na muling pasukin ang mundo ng musika.

 Kwento ni Elijah, "2024, I didn't get to make a single song.  Ngayon, I feel like I'm a whole different person. I feel like iba na yung music na magagawa ko. Iba na yung mga lyrics na masusulat ko. When I write music, I feel like it's the best way to express myself, my truth, without fear."

 Isa raw sa mga pinakamagandang kanta na isinulat ni Elijah ang 'Loved Song' na iniregalo niya sa kanyang girlfriend na si Miles Ocampo.

 "I wrote that song two years, three years ago as a monthsary gift. 'Yun yung mga thoughts ko at the time about our relationship."

 Dagdag pa niya, hindi raw ito inasaahan ni Miles.

 "Nagulat siya. Hindi niya in-expect. Kasi usually nga kapag mga ganyang mga gifts, di ba? Usually material gifts.  A necklace, jewelry, a bag or whatever. Pero at the time, gusto ko something that she can treasure forever."

 Ulat ni MJ Felipe para sa programang Tao Po. (February 9, 2025)

 Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.