BABALA: SENSITIBONG BALITA
Labis ang lungkot ng pamilya at mga residente ng Bgy. Lobo, Catbalogan City,Samar matapos matagpuan ang bangkay ng 2-anyos na si "Baby Rhea" siyam na araw matapos siyang maiulat na nawawala. Courtesy: Dj Rene Castino via Ranulfo Docdocan
CATBALOGAN CITY, Samar — Labis ang lungkot ng pamilya at mga residente ng Bgy. Lobo, Catbalogan City, Samar matapos matagpuan ang bangkay ng 2-anyos na si "Baby Rhea" siyam na araw matapos siyang maiulat na nawawala.
Natagpuan ang katawan ng bata noong Lunes, August 3, sa mataas na bahagi ng bundok sa barangay na tinatayang 300 hanggang 400 metro ang layo mula sa kanilang bahay.
Ang masakit na pagkakadiskubre ang naging wakas ng halos siyam na araw na walang tigil na paghahanap ng kanyang pamilya, mga volunteer, at mga awtoridad.
Nasa state of decomposition na ang katawan nga bata at nakitang wala itong saplot sa katawan.
Naiulat na huling nakita si Baby Rhea noong Hulyo 24 habang naglalaro malapit sa simbahan.
Mula noon ay hindi na siya nakita, dahilan upang magsagawa ng malawakang paghahanap sa iba't ibang bahagi ng barangay sa pag-asang matagpuan siyang ligtas.
Patuloy ngayon ang masusing imbestigasyon ng Philippine National Police upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng bata at mabigyang-linaw ang mga pangyayaring humantong sa trahedyang ito.
Umaasa naman ang kanyang pamilya na mabibigyan ng hustisya si Baby Rhea.
KAUGNAY NA VIDEO