← Back to Home

Mag-live in partner patay matapos madamay sa karera umano ng motorsiklo sa Davao City

Isang delivery rider ang lalaki habang ang partner nito ay isang call center agent, at naulila nila ang kanilang bata nilang anak.

🕒 8/4/2026, 7:38:19 AM209 wordsEN
Hernel Tocmo

Hernel Tocmo

Hernel is a regional correspondent for ABS-CBN in Davao, covering crime, politics, disasters, and current events. A Mass Communications graduate from Ateneo de Davao, he was a reporter and editor at ABS-CBN Davao and won TV News Report of the Year at the 2023 Globe Media Excellence Awards

#road crash#drag racing#motorcycles#deaths#Davao City

Masusing iniimbestigahan ng Davao City Police ang banggaan ng apat na motorsiklo na ikinasawi ng dalawang tao sa Davao-Bukidnon road, Bgy. Catalunan Pequeño, Davao City noong Lunes ng madaling araw. Courtesy: Ana Jane Cadayona & Francis Akeem via Hernel Tocmo

DAVAO CITY (UPDATED) — Masusing iniimbestigahan ng Davao City Police ang banggaan ng apat na motorsiklo na ikinasawi ng dalawang tao sa Davao-Bukidnon road, Bgy. Catalunan Pequeño, Davao City noong Lunes ng madaling araw.

Road crash deaths claim one life every 24 seconds worldwide, officials warn

Sa inisyal na impormasyon, nagkarera o nag-drag racing umano ang tatlong motorsiklong patungo sa north-bound na direksyon, habang ang isang motorsiklo ay patungo naman sa timog na direksyon.

Nabangga umano at natulak ng isa sa mga umano'y nag-drag racing ang likurang bahagi ng nadamay lang na motorsiklo, at nabangga ng isa pang motorsiklo na kasali sa karera.

Patay ang driver ng nadamay na motorsiklo pati na ang partner niyang naka-angkas, dinala naman sa ospital ang isang sugatang driver na sangkot sa hinihinalang drag racing.

Isang driver naman ang dinala sa Baliok Police Station, habang tumakas ang isa pa matapos ang insidente.

Isang delivery rider ang lalaki habang ang partner nito ay isang call center agent, at naulila nila ang bata nilang anak.


KAUGNAY NA VIDEO


Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.