Sugatan ang isang ginang matapos na madamay nang magsaksakan ang kanyang dalawang anak sa Laoag City, Ilocos Norte.
Sa imbestigasyon ng pulisya, umuwing lasing ang 39-anyos na anak nitong Agosto 1 ng gabi at kinumpronta ang 74-anyos na ina na nakahiga na sa kanyang kama.
Umawat ang 42-taong-gulang na kapatid na lalaki pero nagalit ang nakakabatang kapatid sa kanyang kuya.
Sinunggaban ng nakababatang kapatid ang cutter, habang kinuha naman ng kaniyang kuya ang kitchen knife, na humantong sa saksakan.
Umawat ang ina kaya nasugatan at nabali pa ang kanyang paa.
Naawat lang ang magkapatid nang rumesponde ang kanilang mga kaanak.
Nagtamo ng saksak sa tagiliran at tiyan ang 42-anyos habang nasugatan naman ang dibdib ang 39-taong-gulang na lalaki.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.
IBA PANG BALITA:
80-anyos na lalaki binaril ng sariling bayaw dahil sa agawan sa lupa
Ex-barangay secretary fatally shot, records final video naming alleged mastermind
Umano’y middleman sa pagpatay kay 'Mima Alicia' sumuko
