Araw-araw ay parang grand celebration ng mga 'beki' na hatid ay good vibes. Sa Day 2 ng pinakabagong season ng "Miss Q and A" sa "It's Showtime," muling umulan ng tawanan kasama ang sangkabaklaan.
Parang déjà vu, Vice Ganda, is that you? Lukso ng dugo ang na-feel ni Meme Vice nang masilayan si Contestant 1, Michelle Calamity, na kanyang kahulmahan. Ngayon alam n'yo na kung bakit daw pinapatanggal ni Meme ang pictures niya sa social media!
Kung si Vice ang kahawig ni Michelle Calamity, si Jhong Hilario naman daw ang kalokalike ni Contestant 3, Linda Walker. Kahit aminadong 'chaka,' face niya ay bentang benta, lalo na sa jowang anim na taon na niyang kasama. It's a match dahil, biro niya, 'chaka' rin naman daw si jowa. Basta ang mahalaga, may tiwala sila sa isa't-isa.
Kung fairytale ang kuwento for today's video, sina Michelle at Linda ang wicked stepsisters ni Contestant 2, Kelly Agustin, na lamang man sa ganda pero walang jowa.
Dito, hindi lang amats sa kulitan ang number one, dahil pagalingan at pabilisan din ito sa pagsagot ng katanungan. Sa unang round, ligwak si Contestant 1, pero pangako niya, she will return better and fiercer than ever.
Sa pabonggahan naman ng wit sa ikalawang round, full of confidence ang pagsagot ni Linda sa tanong na kung naniniwala ba siyang nagve-vape na ang kapre sa panahon ngayon. Tulad ng kapangalan niyang chinita, maging topnotcher din kaya si Linda?
Soft spoken naman ang awra ni Kelly, pero sa oras na tumalak, pak na pak! Sa tanong na, "Hahanapin pa rin ba ng prinsipe si Cinderella kung naamoy niyang ang baho ng sapatos ni girl," naipaliwanag niya na ang pagmamahal ay tungkol din sa pagtanggap sa imperfections ng isang tao.
Proving that she's got both beauty and brains, nasungkit ni Kelly ang bilib ng judges na sina Karylle, Ralph de Leon at Nicole Cordoves. Si Kelly ang itinanghal na Reyna Talak-Era of the day!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
