Made in Korea ang kanyang kaguwapuhan, pero malaki ang puso niya para sa ating mga kababayan. Ngayong nagdiriwang siya ng kaarawan, Pinoy na kantahan ang inihandang regalo ni Ryan Bang.
Loud ang cheers at concert feels sa June 16 episode ng "It's Showtime," as Ryan performed some of the best OPM hits sa isang masayang prod, na nagpaindak sa mga manonood.
Abot-langit ang fun, fun, fun as he opened the show with "Ale (Nasa Langit Na Ba Ako).” Kinanta rin ni Ryan ang "Panalangin, "Ewan," at "Sumayaw, Sumunod," complete with tatak-Pinoy theme.
"I love Philippines," sabi ni Ryan nang tanunin kung bakit 'Pinoy' ang napili niyang concept for his birthday number. Proud 'mommy' naman si Vice Ganda, na ipinagmalaki ang pagmamahal ni Ryan sa mga Pilipino. Unang nakilala si Ryan bilang teen housemate sa "Pinoy Big Brother: Teen Clash" noong 2010. From teen to trentahin, na-realize ni Meme Vice na nasubaybayan na ng mga Pilipino ang pag-edad ni Ryan.
"Seventeen years n'yo nang minamahal si Ryan," sabi ni Vice, na naging 'nanay' ni Ryan sa Pinas at naging bahagi ng masasaya at malulungkot na parte ng kanyang buhay. "Kailanman ay hindi ka mag-iisa sa Pilipinas. Sa loob ng Showtime, may pamilya ka. 'Kahit 'pag lumabas ka, kilala ka nila at mahal ka nila," dagdag na mensahe ni Vice para sa birthday boy.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
