Anuman ang hamon ng buhay, laban lang nang patas at huwag tatakas. Dahil ang totoong matapang, hindi umaatras. Dito sa "It's Showtime," hindi na kailangan pang habulin ang good vibes dahil kusa itong lalapit. This Thursday FUNanghalian, tawanan malala ang humagupit.
Laugh trip ang mga eksena sa 'Laro Laro Pick' game arena, para kang nanonood ng pelikula na may iba't ibang genre. Maaksyon ang mga kaganapan nang sa kalagitnaan ng interview portion sa mga tricycle drivers, nakarinig sina Vice Ganda ng kakaibang ingay, na nagmula pala sa isang bahagi ng studio. Huli! Parang raid ang nangyari nang maaktuhan ang tsismisan ng ilang staff na nagtatago sa likod ng kurtina.
Biro ni Vice Ganda, ang 'It's Showtime' studio, naging hideout na ng sindikato. Natimbog ang mga salarin... pati na ang amo? Teka, maliii! Picture lang pala ni Lassy!
Pero bakit si Vhong Navarro ang tumakbo at hinabol ni Vice Ganda? So, sino kaya sa dalawa ang unang mapapagod sa takbuhan nila? Dahan-dahan lang, Meme at Vhong, baka madapa!
With special participation rin nina JM Ibarra at Fyang Smith ang aktingan sa 'You Gotta Lyric' round. Pero mukhang wala naman sa script ang matatamis na ngitian, JMFyang? Bilang tunay na mga aktor, game sila anuman ng ipagawa ng direktor. Kahit ang mga biglaang takbuhan, kakaririn nila 'yan.
Comedy naman ang peg ng sumunod na eksena kung saan hinabol ang groom na si Jugs Jugueta. May pa-color grading pa, sabay chase scene sa loob ng studio. Si Jugs, nadapa sa hagdanan. Ay pang familiar ang eksena na 'yan!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
