Sa gitna ng mga pagsubok na sabay-sabay nating pinagdadaanan bilang isang bayan, huwag mawalan ng pag-asa at pananampalataya. Mayroon pa ring himala para sa mga pusong naniniwala. Isa sa magpapatunay nito ang latest 'Laro Laro Pick' winner na si Alma.
Sa April 7 episode ng "It's Showtime," bumida ang mga Madlang Seniors na taga-Malabon. Nakikembot muna sila para ma-attract ang biyaya, pagkatapos ay nakipagkuwentuhan sa hosts tungkol sa mga pinagkakaabalahan at mga hiling nila sa buhay.
Mga larawan ng artista from their era ang kinilala nila sa 'It's Giving' round. Ang classic love song na "Unchained Melody" naman ang bida sa kantahan sa 'You Gotta Lyric' round with Darren Espanto as the leader of the band.
Pagdating sa ‘PILImination,’ naging lucky charm ni player Alma si Cianne Dominguez, na tumulong sa kan'yang makarating sa jackpot round kung saan P550,000 ang naghihintay. Ilang linggo nang mailap ang POT money kaya ang desisyon ni Alma, pinag-isipan niya nang mabuti.
Bitbit ang panalangin bilang sandata, buo ang loob niya na sugalan ang POT question. Bago basahin ni Jhong Hilario ang tanong, nagdasal muna si Nanay Alma. Maya-maya pa ay hinarap na niya ang Pot question tungkol sa halaga ng discount na natatanggap ng mga senior citizens sa gamot, grocery at iba pang serbisyo.
Talagang makapangyarihan ang panalangin, dahil dininig ng langit ang hiling ni Nanay Alma, na naging emosyonal matapos ang pagkakapanalo niya. Ipinaalala rin niya sa mga manonood na maniwala sa 'miracle' dahil walang imposible. Plano ni Nanay Alma na ilaan ang nakuhang papremyo sa mga gastusin sa kan'yang kalusugan at pag-aaral ng anak.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
