← Back to Home
Kim Chiu, ni-reveal ang totoong ginawa sa Paris nang 3 weeks | It’s Showtime

Kim Chiu, ni-reveal ang totoong ginawa sa Paris nang 3 weeks | It’s Showtime

Kim Chiu is back feeling refreshed with new knowledge matapos "mag-aral" nang three weeks sa Paris.

🕒 4/6/2026, 5:48:57 AM260 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Kim Chiu#Kim Chiu in Paris#Kim Chiu Paris#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Kim Chiu#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime April 6 2026#

Goodness gracious! Nakabalik na ba ang mga feeling ‘main character’ from Holy Week break? Extended ang Easter egg hunt festivity sa "It's Showtime" dahil spotted ang mga 'eggs' as in mga 'eggs-perto' sa pagpapalaganap ng good vibes.

Mukhang sinulit ng Showtime hosts ang bakasyon para makapag-relax at recharge. Kim Chiu is back feeling refreshed with new knowledge matapos "mag-aral" nang three weeks sa Paris. Kung si Kim ay isinabay ang pag-aaral sa bakasyon, ano naman kaya ang ganap ng iba pang Showtime family members?

Dahil ang Easter celebration ay simbolo ng fresh beginnings, isang bagong simula ang naghihintay sa 'Laro Laro Pick' player na makakasungkit ng POT money, na umabot na ng P500,000. Para ma-attaract ang luck, itinodo ng mga taga-Embo, Taguig ang energy sa game arena. Kinilala ng hosts si player Ana, ang palabang mommy na tricycle driver. Reyna rin ng tahanan si Queen, na very proud sa pagsisikap ng mga anak na achievers.

Achieve na achieve naman ni Vhong Navarro ang biglaang pa-tribute sa 'It's Giving' round. Dahil halos lahat ng featured sitcoms and gag shows na pinahuhulaan ang titulo ay minsang naging bahagi ng kan'yang karera. Iba ka, Kuys! Isa ka talaga sa mga haligi ng komedya!

Pero, si MC, sa halip na matawa ay naiyak pa nga! Tuluyang naluha si MC dahil sa hugot ng kantang "Nang Dahil Sa Pag-Ibig" na tampok sa 'You Gotta Lyric' round. Hugs, MC!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kim Chiu, ni-reveal ang totoong ginawa sa Paris nang 3 weeks | It’s Showtime | Cheezmis