← Back to Home
Ryan Bang, na-challenge sa pagtatanong sa best friend na si James Reid | It’s Showtime

Ryan Bang, na-challenge sa pagtatanong sa best friend na si James Reid | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 3/10/2026, 7:32:55 AM241 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#James Reid#James Reid new song#James Reid Traffic#James Reid Showtime#James Reid Ryan Bang#James Reid Ryan Bang best friends#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Kim Chiu#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime March 10 2026#

Hindi maluluma ang harana lalo na kung si James Reid ang kakanta. Ang beloved Mr. Randomantic, may bagong entry sa playlist ng mga mahihilig sa chill jamming.

Very comfortable nga si James sa "It's Showtime" studio, especially because present ang best friend niyang si Ryan Bang. Proof of their friendship ay 'yung kahit magkabuhol-buhol ang dila ni Ryan, ang ending, sila pa rin ay magkakaintindihan.

Perfect din sa long hours sa kalsada ang new single ni James titled “Traffic.” Mukhang naka-relate si Kim Chiu, na para bang nadulas sa sinabi niyang ultimate panlaban niya sa traffic ang makinig ng music habang may ka-holding hands. Makakatakas ba naman si Kimmy sa pang-aasar ng mga 'kuys' niya?

Samantala, hindi tatakas sa swerte ang mga taga-Sta. Ana, Pateros. Dahil nagmula pa sila sa lugar na sagana sa balut, siguradong 'sisiw' lang sa kanila ang mga tanong at challenges sa 'Laro Laro Pick' game arena. From Pateros, parang na-transport ang players sa Korea, thanks to Ryan, na game sa pag-translate ng mga tunog ng hayop. Pero, saan nga ba galing ang balut? Sina Vice Ganda, nag-imbestiga!

Nakuha naman ni player JR ang atensyon at paghanga ni Meme Vice dahil nakaka-touch nitong pahayag tungkol sa pagpapahalaga sa mga kababaihan, na ipinaalala sa atin ang pagdiriwang ng International Women's Month.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Ryan Bang, na-challenge sa pagtatanong sa best friend na si James Reid | It’s Showtime | Cheezmis