← Back to Home
Kelsey, napatanong kung nagagandahan ba sa kanya si Lucas | It’s Showtime

Kelsey, napatanong kung nagagandahan ba sa kanya si Lucas | It’s Showtime

Hindi na-speechless si Kelsey–kinilig pa "nganiii" si girl–nang muling makaharap si Lucas, na may 'kasalanan' daw sa kan'ya. At walang kahiya-hiyang tinanong niya si Lucas, "Nagagandahan ka ba sa'kin?" Yas, girl! Bring it on, girl!

🕒 2/24/2026, 5:32:53 AM216 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Kelsey#Lucas#Showtime Kids#It's Showtime Kids#Lucas Showtime#Kelsey Showtime#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime Feburary 24 2026#

Cuteness overload ang pagbisita ng mga celebrity kids sa 'Laro Laro Pick' game arena, sa February 24 episode ng "It's Showtime."  

Dahil espesyal ang edisyong ito featuring child stars and kiddie online sensations, may special guest host din na nagdagdag ng charm sa studio, walang iba kundi ang 'anak' ni Vice Ganda na si Lucas Andalio.  

Hindi na-speechless si Kelsey–kinilig pa "nganiii" si girl–nang muling makaharap si Lucas, na may 'kasalanan' daw sa kan'ya. At walang kahiya-hiyang tinanong niya si Lucas, "Nagagandahan ka ba sa'kin?" Yas, girl! Bring it on, girl!  

Napansin naman ni Vice na pinanonood lang ni Argus sina Kelsey at Lucas, kaya tinanong niya ang cutie chinito kung ayos lang ba sa kan'ya ang closeness ng dalawa. Wala naman daw problema, sabi ni Argus, dahil kaibigan din niya si Lucas. 

Nagbabalik din para maglaro si Sarina, ang unica hija ni "It's Showtime" host Jhong Hilario. Napanood n'yo ba ang trending guesting ni Sarina sa 'Laro Laro Pick' last December? Sa nasabing episode, na-speechless si bagets sa tanong na, "Pogi ba tatay mo?" Kaya sinubukan ni Jhong kung babawi ang anak niya. Makasagot na kaya si Sarina? 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kelsey, napatanong kung nagagandahan ba sa kanya si Lucas | It’s Showtime | Cheezmis