This 2026, wish nating lahat na sana pabilis nang pabilis ang pagpasok ng suwerte sa ating mga buhay at bahay! At para ma-attract ang mga positibong bagay, dapat pataas nang pataas ang energy!
Itinaas na nga ng Sexbomb Girls, sa pangunguna ni Rochelle Pangilinan, ang excitement as they conquered the “It’s Showtime” entablado. Balikan ang mga pinaka-iconic na kanta ng grupo. Hindi lang isa kundi medley ang inihanda nilang playlist of their greatest hits, na sinabayan syempre ng masayang sayawan para sa lahat ng mga pinalaki ng Sexbomb.
Pagkatapos ng opening number, napa-throwback ang Sexbomb Girls nang makakuwentuhan ang mga batchmates nila sa dance floor, sina “Streetboys” Vhong Navarro at Jhong Hilario. Si Jhong ay madalas nilang co-star sa isang serye noon. Samantala, nabanggit naman ni Vhong na nakausap niya sina Rochelle bago ang kanilang two-part 2025 concert. Sabi ni Vhong, kabado sina Rochelle bago ang naunang dalawang shows, na naging very successful in the end.
At patunay sa tagumpay ng dalawang events, magkakaroon ng ‘rAWnd 3’ ang ‘The Sexbomb Girls Concert,’ na gaganapin sa February 6. Dagdag pa ni Rochelle, kung mangangarap lang din, aba, bonggahan mo na! Ang next wish nila? World tour!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) and iWant.
