2gether tayong lahat this January 2 sa “It’s Showtime” kung saan tuloy-tuloy lang ang masayang pagsalubong sa Bagong Taon.
She’s mothered so well, kaya naman isang big win ang naging finale highlight ng 2025 ni Vice Ganda matapos masungkit ang Best Actor award sa Metro Manila Film Festival 2025 para sa pelikulang “Call Me Mother” na pinagbidahan nila ni Nadine Lustre, at Lucas Andalio na wagi naman bilang Best Child Actor.
Ibinahagi ni ‘Meme’ Vice ang karanasan sa MMFF Gabi ng Parangal, na ginanap nitong December 27. Hindi raw inasahan ni Vice ang kanyang panalo. At hindi rin niya nakagawian ang pagdalo sa nasabing event dahil mas madalas ay nagbabakasyon sila ng kanyang pamilya every Christmas holiday. Pero bilang suporta sa kanyang pelikula, co-stars, at sa industriya, at sa panghihikayat na rin ni ABS-CBN COO Cory Vidanes, at the last minute ay nagpasya si Vice na dumalo. Hindi nga raw niya napaghandaan ang look at styling nang gabing iyon.
Kuwento pa ni Vice, naramdaman din niya ang pagiging ‘mother’ sa kanya ng ‘Internet’s President’ na si Nadine, “Parang inanak niya ako,” dahil sa ipinakita nitong suporta. Inilaban ni Nadine ang kanyang ‘ate’ Vice, at ipinanalangin ang panalo nito.
Nagpadala rin ng mga mensahe ng pagbati ang pamilya at co-stars ni Vice Ganda.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime," Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant. Mapapanood na rin ito sa ALLTV.
