← Back to Home
Darren, biglang inagaw ang spot ni Jackie sa Laro Laro Pick? | It's Showtime

Darren, biglang inagaw ang spot ni Jackie sa Laro Laro Pick? | It's Showtime

Darren, biglang inagaw ang spot ni Jackie sa Laro Laro Pick? | It's Showtime

πŸ•’ 1/26/2026, 6:36:14 AMβ€’255 wordsβ€’EN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#Laro Laro Pick#JanTayoSaShowtime#Jackie Gonzaga#Darren Espanto#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Walang basaan dito pero bubumuhos ang swerte at good vibes kasama ang mga taga-San Juan City (na kilala sa 'Wattah Wattah' Festival). Sila ang bumida sa 'Laro Laro Pick' game arena, sa January 26 episode ng "It's Showtime."

Naglaro rin sina Teddy Corpuz, Jackie Gonzaga, Ryan Bang, at Darren Espanto. Kung isa sa kanila ang mananalo, bubunot sila ng madlang player from San Juan na makakatanggap ng buong papremyo. 

Mataas ang energy ng apat, laban na laban, pero sila'y pinahirapan ng kapalaran. 'Naligwak' agad sina Darren at Teddy sa 'Illuminate or Eiliminate' round pa lang. Pagdating naman sa 'It's Giving' kung saan dapat ibigay ng players ang katumbas na English word ng mahiwagang nilalang na babangitin ni Jhong Hilario, si Ryan ang sumunod na nag-'babu.'

Nakatawid si Jackie sa 'You Gotta Lyric' kung saan dapat punan ang nawawalang lyrics ng kantang "Ayoko Na Sana" ni Ariel Rivera. Sa apat na natitirang players, si Jackie ang huling sumagot, kaya sa performance niya nakasalalay kung makaka-perfect ang remaining players at makakatanggap ng additional P1,000 each. 

Tama naman sana ang sagot ni Jackie, pero pabirong idineklarang "wrong" ni Jhong dahil sintunado. To the rescue naman si Darren para itama ang tono, kaya hirit ni Jhong, si Darren na ang maglalaro! Muntik pa ngang maagaw ang spot ni Jackie! Pero para sa ‘Dackie’ lovers, siguradong kilig ang hatid ng moment na ‘to. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

Β© 2026 Cheezmis. All rights reserved.