← Back to Home
Lahat nalang, MEME?! Vice Ganda, sinubukan maging cameraman | It’s Showtime

Lahat nalang, MEME?! Vice Ganda, sinubukan maging cameraman | It’s Showtime

Lahat nalang, MEME?! Vice Ganda, sinubukan maging cameraman | It’s Showtime

🕒 1/14/2026, 5:00:44 AM252 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#TNTDuets2Pangmalakasan#Laro Laro Pick#Vice Ganda#cameraman#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Hindi mumunti ang biyayang natanggap at good vibes na ibinahagi ng mga taga-Muntinlupa na sumabak sa 'Laro Laro Pick' game arena, nitong Miyerkules, January 14 sa "It's Showtime."

'Trip' ni Vice Ganda na gawin ulit ang 'Not Cute Anymore' trend dahil naka-hoodie si player Andre. Marami ang nalilito kung paano ba i-perfect ang trend na 'to. Pero hindi si Meme, na updated sa mga 'ganap' ng Gen Zs. Para siguradong tama ang shot, siya na mismo ang tumayong cameraman.

Nahirapan si Vice sa bigat ng camera. Dahil dito, mas na-appreciate niya ang trabaho ng mga cameramen. At para suklian ang pagod at hirap nila, naisip niyang bigyan sila ng bonus. 

Nakilala rin natin si Corz, ang mapagmahal na lola, na nananatiling positibo ang pananaw sa buhay sa kabila ng mapapait na karanasan. Kuwento ni Corz, dati siyang OFW sa Bahrain, pero tumakas siya dahil pinagmamalupitan ng babaeng amo. "Sinasabunutan po ako, sinasampal," sabi Corz. Sa tingin daw niya'y nagseselos ang babaeng amo kaya siya sinasaktan, "'Yung mga anak niya, malapit sa akin." 

Sa kanyang "pagtakas" sa mga amo, nakilala niya ang isang tao na tumulong sa kanyang makahanap ng pansamantalang trabaho habang nag-aasikaso ng mga papeles para makauwi ng Pilipinas. Doon siya natuto at nahasa bilang balloon decorator. Ngayon ay sariling mga apo na ang inaalagaan ni Corz, kaya nag-uumapaw ang kaligayahan sa kanyang puso. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Lahat nalang, MEME?! Vice Ganda, sinubukan maging cameraman | It’s Showtime | Cheezmis