← Back to Home

Tanggol, maililigtas pa ba si Ramon sa “FPJ’s Batang Quiapo”?

Sisimulan na ni Tanggol (Coco Martin) ang mas malaki niyang misyon upang iligtas ang papa niyang si Ramon (Christopher De Leon).

🕒 9/23/2025, 12:35:08 AM202 wordsEN

ABS-CBN Studios

#FPJ’s Batang Quiapo#Batang Quiapo#Andrea Brillantes#Maris Racal#Fatima Benito#Paula Ponggay Garcia#Coco Martin#Tanggol Montenegro#Christopher de Leon#Ramon Montenegro#Rigor Dimaguiba#John Estrada

Magpapangabot sa isang matinding salpukan ang mga karakter nina Andrea Brillantes at Maris Racal sa “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.  

Pasabog ang maaksyong eksena ng dalawang aktres na mapapanood sa mga susunod na episode kung saan mauuwi ito sa tutukan ng kutsilyo. Sa takbo ng kwento ngayon, mapipilitan si Fatima (Andrea) na labanan ang pulis na si Ponggay (Maris) matapos siyang madamay sa operasyon sa pag-aresto kay Tanggol (Coco).  

Bago pa nito, una nang natakasan ni Tanggol ang mga awtoridad at dumiretso siya sa lugar ni Fatima upang pansamantalang magtago. Dehado ngayon si Tanggol dahil inaresto na ang kanyang pamilya at itotodo ng mga Guerrero ang paninira nila laban sa mga Montenegro. 

Sa kabila ng pagbagsak ng pamilya Montenegro, sisimulan na ni Tanggol ang mas malaki niyang misyon upang iligtas ang papa niyang si Ramon (Christopher De Leon), na kasalukuyang nag-aagaw buhay matapos barilin ni Rigor (John Estrada).  

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWant, at Kapamilya Online Live (KOL). Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.