← Back to Home
Kai, umamin na IN LOVE siya ngayon | It’s Showtime

Kai, umamin na IN LOVE siya ngayon | It’s Showtime

Cianne, matapang na hinarap ang jackpot question sa Laro Laro Pick!

🕒 8/30/2025, 4:30:43 AM739 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeLaroPOTayo#Kai Montinola#Overthink#Kai in love#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Amy Perez#MC#Lassy#Teddy Corpuz#Jugs Jugueta#Jackie Gonzaga#Ryan Bang#Cianne Dominguez#

Saturday na naman, pahinga na para sa maraming Pilipinong empleyado. Kung drained ka all week at paubos na ang energy, dito mo i-replenish, kasi laughter ang best therapy. Wala munang stress, say no to overthinking, forget about analyzing basta enjoy lang the moment, dahil dito sa "It's Showtime," ang good vibes ay never-ending.

At speaking of overthinking, heto na ang kanta na swak sa ating feelings. Kasama natin si ex-"PBB Gen 11" housemate Kai Montinola, performing her single “Overthink” na ang hugot ay relatable pero ang tunog ay danceable. 

Sa Sabado vibes na puno ng tawa at ligaya, siguradong makakapag-recharge ang buong pamilya. Ngayong araw sa "Laro Laro Pick," ready for fun and papremyo ang players mula sa iba’t-ibang trabaho—mga mekaniko, tour guide, panadero, at sepulturero. Kasama ring naglaro para sa Madlang People ang mga paboritong hosts na sina Jugs Jugueta, Ryan Bang, Cianne Dominguez, at Teddy Corpuz. 

Na-good vibes ang lahat kay Tatay Jerry, ang sepulturero na halos 45 years na sa serbisyo. Biyudo for 15 years pero buhay na buhay pa rin ang puso lalo na kapag may katabing magandang babae. Kung puwede nga lang daw dalawa ang puso niya dahil hindi makapili kina Jackie at Cianne, pero loyal naman siya sa kanyang second wife. Ang mga banat niya’y biruan lang! 

Mas lalong naging masaya ang usapan dahil kasama rin pala niya sa game arena ang isa sa mga kapitbahay niyang certified 'chismosa' na 'minamarites' daw siya dahil na-in love sa mas bata. Hala sige, harapan na! 

Nakilaro rin si Harv, ang mekanikong 5 years nang bihasa sa pag-aayos ng makina, pero ngayong araw ay gulong ng kapalaran naman ang kanyang susubukan. 

Sinimulan ang laro sa “Illuminate o Eliminate” round kung saan 12 players lang ang makakatawid kapag napili ang box na may ilaw na kulay green. Sa susunod na phase na “It’s Giving,” perfect for Sabado nights ang tanong na, “Magbigay ng mga popular na pulutan ng mga Pinoy ayon sa Panlasangpinoyrecipes.com.”

Sa “You Gotta Lyric” round, “Awitin Mo at Isasayaw Ko” ang kanilang kinanta hanggang sa limang kalahok na lang ang natira. Uy, ang Madlang People, buhay pa at sina Cianne at Jugs ang may dala ng swerte nila. 

Ramdam ang excitement sa "PILImination Round" kung saan kanya-kanyang pili ng confetti poppers ang mga natirang players. Isa lang ang may blue confetti at pinalad na makapili nito si Cianne! Kaya naman todo-bunyi ang Madlang People habang si Cianne ang umabante sa Jackpot Round.

Sa Jackpot Round, nakahain ang 300,000 pesos na POT money para kay Cianne. Nagdalawang-isip pa siya noong una, pero pinakinggan niya ang hiyawan ng  Madlang People, na POT ang bet! 

Inalok pa siya nina Vhong Navarro at Jackie Gonzaga ng 25,000 pesos sa Li-Pot, pero matapang na tinanggihan ito ni Cianne dahil gusto raw ng Madlang People na sumugal sa pot question. Ang tanong: “Anong numero ang katumbas ng Roman numeral na MMXXV?” Kinakabahan, "2,000,205" ang kanyang naging kasagutan. Aww. Ang tamang sagot ay 2,025. Kaya si Cianne, napa-sorry na lang.

Weekend na, kaya sing and shine! Dito sa "Tawag Ng Tanghalan Year 9," boses ng mga contenders ay oh-so-fine.

Unang sumalang si Jinky Cawayan mula Tupi, South Cotabato. Mula 11 years old hanggang high school ay rumaket siya bilang labandera. Ngayon, kumakanta sa mga gig para makatulong sa kanyang tatay na magtaguyod ng kanilang pamilya. Pero ngayong Sabado, pinili niyang dito muna mag-perform sa TNT entablado, singing “Stone Cold” ni Demi Lovato. Damang-dama ang bawat nota marahil sa pinagdaanan ng puso niya. Pati si MC naka-relate. Habang si hurado Marco Sison ay nagbigay ng simpleng ngunit taos-pusong komento, “I’m happy for you.”

Sumunod naman si Ashlyn Dabalus mula Davao City, isang Grade 12 student na nangangarap maging nurse someday. Gaya ni Jinky, sanay na rin siyang tumugtog sa mga sideline gigs. “This Is My Now” ni Jordin Sparks ang kanyang inawit. Namangha si hurado Bituin Escalante sa pagiging power belter ni Ashlyn, pero kanyang payo, mas magandang suportado ang bawat nota mula umpisa hanggang dulo.

Sa Kantapatan Round, si Jinky ang umabante at inawit ang “Who You Are” ni Jessie J. Hinamon niya ang defending champion na si Marcelo Ruado mula Oriental Mindoro, na nagpasiklab ng damdamin sa kanyang rendisyon ng “Mula Sa Puso.”

"Technically equipped" kung ilarawn ni Punong Hurado Louie Ocampo si Jinky, habang pinayuhan niya si Marcelo na dapat palaging nagmumula sa puso ang bawat kanta.

At sa huli, ang itinanghal na bagong kampeon ay si Jinky.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kai, umamin na IN LOVE siya ngayon | It’s Showtime | Cheezmis