← Back to Home
Erwin, naging emosyonal nang mapag-usapan ang ina | It’s Showtime

Erwin, naging emosyonal nang mapag-usapan ang ina | It’s Showtime

Erwin, naging emosyonal nang mapag-usapan ang ina | It’s Showtime

🕒 8/29/2025, 6:27:39 AM865 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeMgaPOTLaban#Tawag Ng Tanghalan#TNT#Erwin#emosyonal#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Amy Perez#Ryan Bang Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#MC#Lassy#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Whene.... Ay! Wala pa pala! Excited lang ang lahat dahil huling Biyernes na ng Agosto! Ibig sabihin, sa Lunes ay simula na ng BER months kaya’t ramdam na ang kasabikan sa nalalapit na Kapaskuhan. Pero bago pa man tayo makarinig ng Christmas carols in the air, mauuna nang magpasiklab ng good vibes ang P-Pop girl group na fierce and fighters. 

Kaasama natin ang G22 na may hatid na empowered performance ng “Pa-Pa-Pa-Palaban.” Bago pa lumamig ang simoy ng hangin, pinainit muna ng grupo ang buong studio with their visuals and energy na bigay-todo. 

Bago pa man magsimula ang BER months, dito sa “It’s Showtime,” mas maagang dumarating ang Pasko dahil sa pa-bonus at papremyo. Ngayong huling Biyernes ng Agosto, mas ramdam na ang happy vibes dahil sa mga sorpresang hatid ng “Laro Laro Pick.”

Naglaro ang players mula sa iba’t ibang hanapbuhay—mga electricians, hotel attendants, basketball referees, at beteranong photographers. Kasama ring lumaban para sa studio audience ang mga Showtime hosts na sina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, at Cianne Dominguez.

Agad na napansin ng game masters ang positive aura ni Tatay Ador, na 32 taon nang photographer sa Rizal Park. Dito niya rin nakilala ang kanyang misis na una niyang kinuhanan ng litrato. Pero hindi lang pictures ang nadevelop kundi pati feelings, at sa pamamagitan ng kanyang kamera, napagtapos niya ang mga anak sa eskwela. 

Sumunod si Dogsboy, ang referee na palaban din sa sayawan. Kung curious kayo tungkol sa pangalan niya, kuwento ni kuya, galing daw ito sa salitang “dugo" dahil sa isang malaking sugat noong bata siya. Ngayon, tanong ng lahat—sa larong ito ba’y lucky siya o uuwing “duguan” ang puso?

Agad sinimulan ang laro sa “Illuminate o Eliminate” round, kung saan 12 players lang ang pwedeng makatawid 'pag napili ang box na may kulay 'go' as in kulay green. Dito agad natanggal sina Jugs, Teddy, at Ryan kaya si Cianne na lang ang natirang pag-asa ng studio audience.

Sinubok naman ang bilis ng isipan ng players sa “It’s Giving” round, kung saan ang tanong ay, “Magbigay ng mga hurado sa lahat ng season ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.” 

Sa “You Gotta Lyric,” “Buko” ni Jireh Lim ang kinanta nila, hanggang sa tatlong players na lang ang natira kabilang si Cianne na effective pang-attract ng swerte ang smile na maganda. 

Pero sa huling “PILImination Round,” sina Dogsboy, Joshua, at Cianne ay pumili ng kani-kanilang jewelry box. Isa lang ang may diamond sa loob, at nakuha ito ni Dogsboy kaya siya ang pinalad na umabante sa Jackpot Round.

Sa Jackpot Round, mula 250,000 pesos na “Pot” money, nadagdagan pa ng 50,000 pesos dahil sa pagmamahal ng ating sponsor kaya naging 300,000 pesos ang puwedeng maiuwi ni Dogsboy.

Matapang ang referee kaya’t tumagal din ang tawaran bago siya nagdesisyon. Sa huli, pinili niya ang sigurado—ang 50,000 psos sa “Li-Pot.” Malaking tulong na raw ito para sa misis na buntis. 

At tama lang ang naging choice, dahil nang sinubukan niyang sagutin ang tanong na, “Ano ang title ng hit song ng Parokya Ni Edgar kung saan nabanggit ang asong si Morlock?” na-mental bock si Dogsboy sa kaba at hindi nakasagot sa loob ng limang segundo. Kayo, Madlang People, masasagot n’yo ba ito?

Parang caroling tuwing Pasko, musika ang nagbigay-saya sa lahat ngayong huling Biyernes ng Agosto. Mga tinig na may dalang pag-asa, inspirasyon, at kuwento ang bumida sa "Tawag Ng Tanghalan" Year 9 entablado. 

Unang naghatid ng damdamin si Erwin Magaan mula Tacloban City. Lumuwas siya ng Maynila para sa pagpapagamot ng ina, at minsan ding naging cook sa Dubai. Kaya’t gaya ng kanyang mga recipes, kumpleto rekado rin ang kanyang pag-awit ng “Kung Sakali.” Dahil second time na niya sa TNT, hindi na niya masyadong ramdam ang kaba. Parang performance na matagal na-marinade dahil sobrang siksik at malasa kung ilarawan ni hurado BItuin Escalante ang pagtatanghal niya. 

Sumunod si Chris Bando, isang tricycle driver mula Sorsogon na kumanta ng “You Make Me Feel Brand New.” Doble-kara ang atake, kaya nakigaya si MC, pati mga hurado na sina Nonoy Zuñiga at Marco Sison ay nahiritan pang mag-sample. Pero nang si Ryan ang sumubok, bakit biglang parang cartoons ang tunog!? 

Sa Kantapatan, ipinarinig ni Chris ang kanyang makabagbag-damdaming rendition ng “Ngayon” ni Basil Valdez. Hinamon niya ang defending champion na si Marcelo Ruado mula Oriental Mindoro, na buong puso namang inawit ang “Bakit Kung Sino Pa” ni Lloyd Umali.

Matapos ang matinding tunggalian ng tinig, nanatiling matibay sa trono si Marcelo bilang defending champion ng entablado.



Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Erwin, naging emosyonal nang mapag-usapan ang ina | It’s Showtime | Cheezmis