‘Agosto’ natin ng good vibes at saya, pero huwag nang lumingon pa sa iba dahil ang happiness ay nasa harapan mo na. Si Bianca Umali, ang “It’s Showtime” guest co-host of the day, ‘agosto’ nang ikasal? Kaya ba magpapa-lechon siya soon?
Agosto naman ng TNT Resbakers na manalo sa laro na hindi man patalinuhan pero paramihan ng alam sa mga pangmasang katanungan. Ang pambato nila ay sina Miah Tiangco, Makki Lucino, at Ian Manibale. ‘Yun nga lang, pinahirapan sila ng mga kalaban, ang Team Clashers nina Muriel Lomadilla, Garret Bolden, at John Rex. Ano kaya ang motivation nila upang magwagi?
Dahil singers ang players, daanin muna natin sa kantahan ang PUKSAAN. Naki-join pa ang mga ‘barkers’ at ‘drivers’ na sina Darren Espanto, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz, at may pa-sample pati si Ryan Bang.
Ngayong araw ang pinakahinihintay na paghaharap ng mga gwapong tunay. Simula na ng “Escort Mo Show Mo” finale. Welcome to “The Fiestacular Finals.”
Matapos pumarada ng siyam na escorts, agad-agad sinimulan ang talent showdown ng first 5 finalists. Lumipad sa ere si Daniel (Brgy. Pasong Kawayan, General Trias, Cavite) in his hip-hop dance paandar.
Isang self-composed rap song ang hinanda ni Mamerto (Brgy. Poblacion, Muntinlupa City) bilang tribute sa mga Philippine heroes. Huwag kukurap dahil kakaibang magic show ang ipinakita ni Jeremy ng Brgy. 7, Lucena City–‘yung walang buhay na aso, biglang gumalaw at naglakad sa studio?
Kumakanta habang nagpe-painting na hindi dumidikit ang pintura, pero ang kinalabasan ay mukha niya! Ganyan ang talent ni Robell ng Brgy. Sto Domingo, Cainta Rizal; at isang bangungot, este sweet dream ang dala ni Arnel (Brgy. San Agutin Trece Martires, Cavite) na sumayaw sabay live-selling. Ang kanyang most prized item? ‘Yung painting ni Robell.
Kakaibang Q&A round naman ang sumubok hindi lamang sa wit kundi acting skills nila, dahil ang mga sagot ng escorts ay idadaan sa isang aktingan.
Si Daniel, napasabak sa isang eksena ng inuman kasama si Darren Espanto, sa tanong na ano ang gagawin niya kung ang kainuman ay malakas lang pumulutan pero zero sa ambagan.
Ipinakita naman ni Mamerto ang magiging aksyon niya ‘pag ang brokenhearted na kapitbahay (Jackie Gonzaga) na anak ni Kap (Teddy) ay inabot na ng 3am sa videoke.
Eh, kung kasasampay mo lang ng damit tapos biglang nagsiga ang kapitbahay, mapapa-rap ka na lang din ba katulad ni Jeremy? Tinuruan din niya ang kapitbahay (Ogie Alcasid) ng tamang pagde-decompose.
Si Robell ng, dumaan sa matinding pagsubok na huwag maging marupok sa seksing kapitbahay (Cianne) na palaging nakikisuyong magpa-receive ng parcel.
Akting na akting din si Arnel sa eksena kung saan biglang dumating ang mga ‘di inaasahang bisita at baka kulangin ang handa niya.
Sina Bianca De Vera, JM Ibarra, at Iyah Mina ang umupo bilang Board Members. Abangan kung sino ang mga escorts na aabante sa next round ng “The Fiestacular Finals” ng “Escort Mo Show Mo.”
Mga boses na gwapo, narinig sa daily round ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.
Unang sumalang sa entablado si Mark Cadiwetan ng Davao De Oro, na hinaplos ang puso ng Madlang People at mga hurados sa pag-awit ng “Ililigtas Ka Niya” ni Gary Valenciano. “Captivating” kung ilarawan ni hurado Kyla ang performance ni Mark.
Kahit ang mga masaya sa buhay pag-ibig at hindi naman broken ay maiiyak pa rin sa sobrang sakit ng hugot ni Nico Gamboa ng Dagupan City, singing “Tinatapos Ko Na” ni Jona. Sabi ni hurado Yeng Constantino, panlaban ni Nico ang kanyang puso o ‘yung abilidad na bigyan ng tamang emosyon ang kanta.
Matapos ang pasiklaban sa tanghalan, si Mark ang inanunsyong aabante sa KanTapatan. Bumuhos ang emosyon ni Mark, hindi lamang dahil panalo siya sa entablado, kundi dahil kasama niya sa studio ang kanyang ama, na first time niyang makita ulit since he was four years old.
