← Back to Home
Jhong, may sagot sa knock-knock joke sa kanya ni Anne | It’s Showtime

Jhong, may sagot sa knock-knock joke sa kanya ni Anne | It’s Showtime

Jhong, may sagot sa knock-knock joke sa kanya ni Anne | It’s Showtime

🕒 8/11/2025, 5:21:04 AM742 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Jhong Hilario#Anne Curtis#knock-knock joke#Bianca De Vera#Jameson Blake#Max Collins#It's Showtime#Showtime#ShowtimeSuperSayaDiBa#MASAsagot Mo Ba#Vice Ganda#Vhong Navarro#Karylle#Kim Chiu#Jugs Jugueta#Teddy Corpus#Ion Perez#Darren Espanto#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Amy Perez#Ryan Bang#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas#Madlang People#Breaking Muse#Escort Mo Show Mo#Step In The Name of Love

Maniwala kang life is good, life is not bad kaya dito sa “It’s Showtime,” bawal ang sad. Good vibes only dahil may nagdiriwang ng kanyang birthday. Kaya let’s shout hooray for Jhong Hilario, ang Sample King ng family. Pagdating sa kulitan, siya rin ang king kaya let’s all sing and wish him more blessings. 

Sa “MASAsagot Mo Ba,” good ang tamang sagot at bad naman ang mali. Good Girls ang tawag sa team nina Analain Salvador, AC Bonifacio at Gela Alonte ng “The Four Bad Boys and Me,” na finlex and good brains para mag-uwi ng prize money. 

Pero bad news sa kanila ang husay ng Team WRIVE sa mga tanong na pangmasa. Sa laro, ang P-Pop group ang nanguna kaya sa jackpot round ang biyahe nila. Ang tanong na lang ay kung makaka-perfect ba ang mga gwapong sina Asi, Mathew, at Ishiro. 

Good chance para bumalik pero bad kung ang confidence ay ‘di sasakto, kaya ang mga Breaking Muse comebackers ay bigay todo. Ito na ang PAK NA PAK NA COMEBACK ng mga binibining handang magbalik-trono at bumangon mula sa pagkatalo. 

Mula sa masaya at makulay na Brgy. Sta Lucia, Pasig City, bitbit ni Dyosa ang nakakahawang good energy at bitbit na rin niya ang mesa para ‘rekta’ na ang party. 

Sumayaw at naglaro ng  palosebo, double wow factor ang dala ng pambato ng Brgy. Pasong Putik Quezon City na si Kyla. At ang bonus talent ni Kyla, biyakin ang pakwan gamit ang chin power niya.

Ang totoong muse, flexible ang talent parang si Jonafe ng Brgy. Dalig Teresa Rizal, na pang-Olympics ang galing sa gymnastics.

At upang mas patunayan that they're beauty and brains with a good heart na deserve ang spot sa Grand Finals, sinubok ang kanilang talino at pagpapakatotoo sa Q&A round, kung saan ang tanong ay tungkol sa pinakapangit nilang ugali. 

Si Dyosa, aminado sa pagiging overthinker, lalo pa’t minsan na siyang naapektuhan ng mga sinasabi ng bashers. May hugot din tungkol sa mga chismosang nega si Kyla.

Basta, nagpapakatotoo lang siya, kaya aminadong minsan pangit talaga ‘yong ugali niyang nakakapagbitiw ng masakit na salita ‘pag galit. But she knows how to acknowledge her mistakes at baguhin ang hindi magandang ugali. 

Ang hanash naman ni Jonafe, minsan ang insecurities niya pagdating sa pisikal na itsura ay nagiging ugaling ‘di maganda, kaya patuloy niyang tinuturuan ang sarili na huwag nang maging insecure at sa halip, sa sariling ganda ay maging sure. 

Ang humatol sa mga muses, isang aktor at dalawang aktres–sina Bianca De Vera, Max Collins, at Jameson Blake. Samantala, don’t judge the hurados and the hosts, lalo na sina  Anne Curtis at Jhong, sa mga sagutan nila ng jokes. 

Move over, bashers, dahil si Kyla ang itinanghal na winner. Abangan siya sa Grand Finals. 

Malapit nang mabuo ang mga koponan sa “Tawag Ng Tanghalan Year 9” kaya mas tumitindi ang laban.

Unang sumalang sa entablado si Renessa Mae ng Negros Oriental, isang streamer at loving wife. Bitbit niya ang love na ‘yan sa pagkanta ng “Do 4 Love” which hurado bituin Escalante described as good song choice, pero napuna nito na medyo kinakapos sa hininga si Renessa.

Pahinga muna sa paggawa ng tinapay at pagbabantay sa bakery si Ken ng Novaliches, Quezon City, na isang future seaman din. “Ikaw Lang” by Nobita ang napili niyang piyesa, at nagustuhan ni hurado Nonoy Zuniga ang pagkakakuwento niya sa kanta. 

Si Ken ang umabante sa KanTapatan round kung saan nabilangan siya ng dalawang beses habang inaawit ang “Pagbigyang Muli.” Napansin ni Punong Hurado Ogie Alcasid ang kaba ni Ken, gano’n din kay defending champion, Bryan, na pinerform naman ang “Ngayong Nandito Ka.” 

Pero kung wala ang kaba, masasabi ni hurado Ogie na parehong magaganda ang tinig ng dalawa. Sa huli, si Bryan pa rin ang wagi. 


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Jhong, may sagot sa knock-knock joke sa kanya ni Anne | It’s Showtime | Cheezmis