← Back to Home
Cianne, ‘4 months’ pinaghandaan ang kanyang birthday prod | It’s Showtime

Cianne, ‘4 months’ pinaghandaan ang kanyang birthday prod | It’s Showtime

Cianne, ‘4 months’ pinaghandaan ang kanyang birthday prod | It’s Showtime

🕒 7/18/2025, 4:52:00 AM690 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Cianne Dominguez#birthday prod#Cianne birthday#It's Showtime#Showtime#ShowtimeBrgyPuksaan#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Kim Chiu#Karylle#Tyang Amy#Amy Perez#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Ryan Bang#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jugs and Teddy#Vice Ganda#Breaking Muse#Escort of Appeals#Step In The Name of Love#Tawag Ng Tanghalan#TNT

Sa life, hindi pwedeng lahat instant. May mga bagay talaga na masarap abangan. Kaya ’wag mainip, ’wag magmadali—hindi dahil delayed, canceled na. 

Take it from our sexy babe Cianne Dominguez, na four months naghintay bago natuloy ang much-anticipated birthday prod niya. And when it finally happened, grabe, ang bongga from start to end!

Mapapa-“shot puno” ang lahat sa special celebration for Cianne. Ang buong “It’s Showtime” family, proud and happy para sa kanilang bunso. Dahil sila man ay nag-abang sa pasabog performance nito! 

Ooh la la! Who’s that long-haired pretty blondina? That’s Vice Ganda! Si Meme na ang nag-adjust at nagpa-long hair para Madlang People ay hindi na malito at maguluhan sa kanilang dalawa ni Klarisse de Guzman. 

Kung nag-abala si Meme, mas naghanda naman ang mga weekly finalists ng “Breaking Muse” at “Escort of Appeals.”

Si Kim Chiu, muntik ma-dethrone bilang Queen of the Dance Floor dahil sa moves ni Kyla Mae ng Brgy. Pasong Putik. And Dyesebel who? ‘Di hamak na mas mukhang isda si Chuchay ng Brgy. San Isidro Montalban Rizal habang kumakanta in her mermaid costume, sabay slide sa pool. Teka, ang isda, kumakain ng hotdog?!

Kung pool outing ang peg ng talent ni Chuchay, swak sila ni escort Kramim ng Brgy. Don Bosco, Parañaque City na kumanta ng “Nadarang” tapos nag-ihaw! Bangungot, este, sweet dreams naman ang hatid ni Meong ng Brgy. San Antonio, San Pedro Laguna na naalimpungatan lang sabay kanta.

Hindi sa awrahan at talent portion nagtatapos ang laban dahil tuloy-tuloy ang puksaan sa “Baranggaan” Round kung saan nasubok ang wit ng mga “Breaking Muse” at “Escort of Appeals” sa isang debate

Para sa ladies, ang topic na pinagtalunan: “Ano ang mas kilig na message? “Ingat ka” o “Kain ka na?” Para kay Kyla Mae, mas sweet ‘pag ika’y iniingatan dahil ibig sabihin ay mahalaga ka sa puso ng ‘yong special someone. Depensa naman ni Chuchay, mas mahalaga ang “kain.” Sabi nga nila, the way to a man’s heart is through his stomach. At dahil masarap siyang magluto, kuhang-kuha niya ang puso ng kanyang asawa.

Pinagtalunan naman ng escorts kung sino ba talaga ang mas magandang lalaki — ‘yong pogi o gwapo? Hirit ni Meong, ang “pogi” ay pang-uto lang, hindi tulad ng “gwapo” na mas totoo. Ay, buwelta ni Kramim, paano nasabi ‘yon ni Meong kung ang mga babae sa likod niya ay napalingon tapos kay Kramim napunta ang atensyon. Dagdag niya, basta “gwapo,” may “presence of God inside.” 

Feel na feel ang hagupit ng Bagyong Confidence sa studio. Kaya naman ang mga hurados, sina Jameson Blake, Xyriel Manabat, at Negi, nahawa sa mataas na energy!

Humagupit naman ang talento ng tatlong mang-aawit na matapang na lumaban sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.

Si delivery rider Robert Estefanio ng Quezon City, break muna sa duty. Magde-deliver muna siya ng pangmalakasang performance singing “Paminsan-minsan.” Ang trivia, si Robert ay nagde-deliver ng kabaong. Kaya naman, si Vice Ganda, kinabahan nang mapatingin sa kanya. Legit pinagpawisan si Meme!

No sweat naman kay Feby San Miguel ng Sorsogon ang pagkanta ng “Di Na Muli.” Hulaan n’yo kung bakit Feby ang pangalan niya! Gets agad ni Kim Chiu!

Samantala, ito ang hindi na dapat hulaan pa. Si Feby ang umabante sa KanTapatan round kung saan pinabilib niya ang lahat sa kanyang “Feeling Good” performance. Hinamon niya si defending champion Vincent Guim na hinarana ang Madlang People with “We’re All Alone.”

Sa huli, ang golden mikropono ay naagaw ni Feby. Babalik siya bilang defending champion! 


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Cianne, ‘4 months’ pinaghandaan ang kanyang birthday prod | It’s Showtime | Cheezmis