← Back to Home
Escort Meong, napagkamalang si SHREK? | It’s Showtime

Escort Meong, napagkamalang si SHREK? | It’s Showtime

Escort Meong, napagkamalang si SHREK? | It’s Showtime

🕒 7/17/2025, 5:02:21 AM508 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Escort Meong#Shrek#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Kim Chiu#Tetay#Alexa Ilacad#Bianca Umali#It's Showtime#Showtime#Escort of Appeals#Breaking Muse#BrgyShowtimePaRin#Step In The Name of Love#Anne Curtis#Karylle#Jugs#Teddy#Ion Perez#Darren Espanto#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Amy Perez#Ryan Bang#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas#Madlang People

It’s Showtime” fam and friends really really really really love you, Madlang People! Kaya hatid nila’y ayuda na good vibes for all. May special performance pa mula kina TNT resbakers Jezza Quiogue at Nowi Alpuerto. 

Parang concert ang feels sa studio! Well, patikim lang ‘yan sa magaganap na kantahan sa darating na “All-Star Grand Resbak: The Concert” featuring the TNT All-Star Grand Resbakers. 

Baby, kalma, sabi sa kanta. Pero paano kakalma ang ladies kung makakaharap nila ang dalawang pogi sa “Escort of Appeals”? 

Kumapit nang mahigpit dahil hahagupit ang karismang malupit ni Akhie ng Sta. Maria Bulacan. Naku, sina Kim Chiu at hurado Alexa Ilacad, nag-agawan! Sino ba talaga ang mauuna sa pila at sino ang uuwing luhaan? Pero kung may reyna sa buhay ni Akhie, it’s none other than his adoptive mommy. Proud si Nanay sa anak niya na bukod sa mabait ay nag-aaral nang mabuti. Maliit lang ang baon sa eskwela, pero pinagkakasya dahil gustong makamit ang diploma. 

Kung sina Kim at Alexa ay nagpuksaan para kay Akhie, si Escort Meong naman ang ‘amats’ ni hurado Bianca Umali, na muntik makalimutan ang boyfriend niyang si Ruru Madrid. Paano ba naman kasi, ‘pag si Meong ay napakagat-labi, puso ng girls ay huling-huli. Malamang mala-Ruru ang datingan ni Meong sa mga mata ni Bianca, pero sa mata ni Vice Ganda, si Shrek siya!

Hanggang sa matapos ang talent portion at oras na para mag-comment, sina Bianca at Alexa, hindi pa tapos magpapansin. Kalmahan n’yo, girls! May kalaban pa kayo. Dahil si hurado Tetay, willing to give her all para sa dalawang escorts na ‘papable.’

Ang love, masarap pag-usapan lalo na kung ang kakuwentuhan ay may kaunting kakulitan, parang si Nanay Sheena, ang bestie ni matchmate Lita. 

First look pa lang kay Sheena, napa-punchline agad si Vice Ganda tungkol sa buhok nitong curly at awrahan na pang-BINI. Habang nagkukuwentuhan, si Vice, hindi mapigilang matawa sa mga simpleng hirit ni Sheena. May bago na namang kumare ang Meme! 

Kuwento naman niya tungkol sa kaibigan, loyal ito at puno ng kabaitan. Single for a long time pero ngayon ay ready na to be a certified ‘kiligera.’ Kaya lang, confrontational daw si Lita, lalo na kung inutangan tapos ‘di mabayaran. Natakot tuloy si hakbanger Boy at napa-step down. Pero umakyat naman sina hakbangers Ilyong at Bong. 

Mabilisang usapan na ‘to. Sino ang pipiliin ni Nanay Lita sa tatlo? 

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Escort Meong, napagkamalang si SHREK? | It’s Showtime | Cheezmis