← Back to Home
Ryan Bang, binisita ng kanyang ina sa It’s Showtime | It’s Showtime

Ryan Bang, binisita ng kanyang ina sa It’s Showtime | It’s Showtime

Ryan Bang, binisita ng kanyang ina sa It’s Showtime | It’s Showtime

🕒 6/16/2025, 5:26:11 AM869 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Kim Chiu#Jugs#Teddy#Karylle#Ion Perez#Ryan Bang#Amy Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas

Saengil chukahaeyo, Bang Hyun-sung! Na-gets n’yo ba, madlang people? Well, sinubukan lang naman naming mag-Korean para batiin ang one and only very own “oppa” ng It’s Showtime na si Ryan Bang sa kanyang kaarawan sa mismong araw na ‘to, June 16!


Kaya naman upang ipagdiwang ang kanyang special day, hinayaan siya ng kanyang Showtime fam na mag-ala K-Pop idol at i-perform ang ilan sa global hit Hallyu songs sa mga nakalipas na taon—“BANG BANG BANG” ng BIGBANG, “Gangnam Style” ni PSY, at “APT.” nina Bruno Mars at BLACKPINK member Rosé—pati na rin ang kanyang sariling kanta na “Shopping”.


Bukod sa kanyang pinakamamahal na Showtime fam, all-out din ang support ng kanyang mga mahal sa buhay, especially his “eomeonim” (Korean term for “mother”) at non-showbiz fiancée Paola Huyong na both present sa studio.


Nang tanungin ng kanyang co-hosts kung ano ang kanyang birthday wish, ang nais lamang Ryan ay alalahanin ng madlang people na huwag sumuko sa buhay dahil lahat ng pinagdadaanan natin ay may dahilan ang Panginoon.


Inihalimbawa niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkuwento ng kanyang humble beginnings bago pumasok sa showbiz at ipinakilala ang kaibigan niyang kumupkop sa kanya nang dalawang taon noong bagong salta pa lamang siya rito sa Pilipinas. Kaya naman lubos siyang nagpapasalamat sa pagmahahal, suporta, at kalinga na natatanggap niya mula sa mga Pilipino mula noon magpasahanggang ngayon.


Matapos na hingan ng kanilang birthday wishes para sa birthday boy, inimbitahan naman ng hosts ang kanyang fiancée at nanay upang samahan sila sa stage. Hiningan din ng mensahe ang kanyang “best man” sa much-awaited wedding nila ni Paola na si Jhong Hilario, na pabirong tinanong si Ryan kung siya na nga ba talaga ang napili niya para sa mahalagang role na iyon.


Ayon kay Ryan, si Kuys Jhong ang napili niyang “best man” dahil na-appreciate niya ang pagmamahal at pag-aalaga na ipinakita ng co-host sa kanya sa loob ng ilang taon nilang magkatrabaho.


Nagtapos ang segment sa pag-blow ni Ryan ng kanyang birthday candle at pagpapahayag ng pasalalamat sa lahat ng naging bahagi ng kanyang buhay sa loob at labas ng showbiz, pati na rin sa kanyang birthday celebration sa It’s Showtime.


Matapos ang celebration of life, ever-lasting friendship at new-found love naman ang ipinagdiwang natin sa “Step in the Name of Love”. And for this episode, ating nakilala si Fhe at ang kanyang bestie of 20 years na si Mindzy, na nabuo ang pagkakaibigan sa isang beauty salon. Bagaman kapwa sila single ngayon, si Fhe lamang ang bukas na makipag-date ulit dahil si Mindzy, focus na lang daw muna sa kanyang four kids.


Tatlong hakbangers muli ang sumubok na makuha ang atensyon ng ating searcher for today na si Fhe. Sila ay sina Renzo, isang 54-year-old tattoo artist mula sa Pasay City; Rhon, isang 56-year-old sales representative mula sa Quezon City; at Kley, isang 50-year-old gym instructor mula sa Caloocan City.


Bukod sa pagiging maayos at malinis sa katawan, mapostura, at maingat sa sarili, napa-step up ang tatlong hakbangers nang marinig kung gaano kamahal ni Fhe ang nag-iisang anak nito na ilang taon nang bedridden dahil sa sakit na Pott’s Disease. Hindi man sila ang magiging top priority ni Fhe kung sakali, tila naibigan nila kung gaano siya ka-selfless at kaya niyang isantabi ang sarili niyang kaligayahan.


Hindi naman napigilan ni Fhe na maging emosyonal matapos na ibahagi ni Mindzy kung paano siya naging “ate” at best friend sa kanya at kung paano siya ini-hype nito bilang isang mapagmahal na kaibigan, nanay, at partner. Lubos kasi ang pasasalamat niya kay Mindzy dahil sa pagiging karamay at “one call away friend” niya, pati na rin sa pagsuporta sa kanya sa pangarap niyang makatagpo ng pag-ibig na magbibigay sa kanya matagal niya nang hinahangad na “princess treatment”.


Nag-step muli ang tatlong hakbangers at isa-isang ibinahagi kung ano ang mga kaya nilang gawin para maipakita ang pagmamahal sa kanya at para mapaligaya siya. Gayundin ang kanilang ginawa nang ipakita sa kanila ang litrato ni Fhe na talagang nagpabighani sa kanila.


Sa bandang huli, kahit pa tila nakaramadam siya ng kilig matapos na masilayan ang kanilang kaguwapuhan, si Rhon pa rin ang napili ni Fhe na makasama sa isang date. It was indeed a sweet victory for Rhon dahil una na niyang ipinahayag ang kawalan ng pag-asa na mapipili pa dahil feeling niya ay dehado na siya sa laban.


Laban sa pagitan nina daily winner Precious Baraquil ng Zamboanga Sibugay at defending champion Jeramae Edquila ng Misamis Oriental ang natunghayan natin sa Tawag ng Tanghalan Season 9.


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Ryan Bang, binisita ng kanyang ina sa It’s Showtime | It’s Showtime | Cheezmis