← Back to Home
Vhong, minasahe ni nanay Gracita | It’s Showtime

Vhong, minasahe ni nanay Gracita | It’s Showtime

Vhong, minasahe ni nanay Gracita | It’s Showtime

🕒 6/14/2025, 5:47:59 AM731 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Kim Chiu#Jugs#Teddy#Karylle#Ion Perez#Ryan Bang#Amy Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas

Tahimik lang kung magmahal pero kilos ay puno ng aruga at naka-ugat sa dasal. Kaya this Father’s Day, deserve na marinig ng buong mundo ang mga kwento ng love at sakripiso ng ating mga tatay, papa, or daddy-o! 

Isang espesyal na Father’s Day harana ang handog nina “Tawag Ng Tanghalan” hurados Marco Sison, Nyoy Volante, at Dingdong Avanzado, pati na nina “Showtime” hosts  Vhong Navarro, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, at “TNT” champ Marko Rudio. 

Isang pagpupugay para sa mga ama na itinataya ang lahat, na kahit hirap at pagod man, laging nandiyan upang mga anak ay mabigyan ng masayang buhay at magandang kinabukasan. Nakilala natin ang isang amang PWD na itnataguyod ang pag-aaral ng mga anak, isang ama na buong-pusong tinanggap ang anak na bahagi ng LGBT, at isang ama na ‘consistent’ ang presence sa milestones ng mga anak. 

Mabuhay ang lahat ng mga haligi ng tahanan! Pati na rin sa mga ina, lolo’t lola, at iba pa na tumatayong ama! 

Aakalain mo bang 70s na ang tatlong hakbangers natin for today? Kung sa awra at liksi, pati na sa dance moves, kayang-kaya pang makipagsabayan sa BINI. Kaya si matchmate Tatay Opong, nahirapang pumili. 

Aliw ang sayawan kasama sina Rosita, 75, libangan ang panood ng sine; Teresita, 73, barangay officer; at Gracita, 71, massage therapist. Malalakas pa ang tuhod ng mga pretty ladies na ‘to! Napa-TikTok pa nga with Vice Ganda, Vhong Navarro at Kim Chiu! 

Sa kanilang tatlo, si Rosita ang inihambing kay BINI Maloi dahil sa kikay look! Kuhang-kuha naman ni Gracita ang fierceness ni BINI Gwen. Magaling din siyang magmasahe, nasampolan nga si Kuys Vhong ng hagod nitong nakakawala ng lamig ng katawan. Pero, Nanay, guluhin mo na ang lahat, basta ang buhok ni Kuys Vhong ay lubayan. Sige ka, baka mag-walk out ‘yan! 

Kung may BINI, ang kaguwapuhan naman ni Tatay Opong ay mala-BGYO Gelo noong kabataan! To all the girls he loved before, ang ala-ala n’yo ay di na mabubura. Dahil mga pangalan n’yo ay naka-tattoo na sa katawan niya. Pati pangalan ng first love, isinulat sa bisikleta. 

May revelation pa ang anak niyang si Joyce. Ayon sa kuwento, si Tatay ay minsang nagkaroon ng number 2 dala ng matinding pangungulila noon bilang OFW. Pero naitama ni Tatay ang pagkakamali, at sa huli, kay misis pa rin umuwi. Pero marahil sa pangyayaring ito, si Tatay, never na ulit humawak ng telepono. 

High school nang magsimulang manigarilyo dahil sa paniniwalang magagamot nito ang “hernia,” pero ngayo’y tinalikuran na niya ang bisyo, at forda healthy lifestyle na. Sa iba pang usapan, si Tatay Opong daw ay mahilig mag-joke at palakaibigan. Masipag at itinaguyod ang pag-aaral ng mga anak, na ngayo’y mga successful professionals na.  Lahat ng mga katangiang nabanggit ay tinanggap ng tatlong hakbangers. Sabi nila, past is past! 

Nang magkatitigan nang malapitan, parang lahat may spark! Hindi tuloy makapili si Tatay, at baka pa may magtampo. Si Rosalita ba o si Teresita o si Gracita? Ang request ni Tatay, pwede bang tatlo na lang sila? Para sa happiness ng ating mga mommies and daddy, tatlong hakbangers ang isa-isang ide-date ni Tatay Opong! Pero teka naman ‘tay, sa paghalik ay maghinay-hinay! 

Happy Father’s Day sa lahat ng Madlang Daddies! Pati na rin sa mga ina, lolo’t lola, at iba pa na tumatayong ama! 

I-celebrate ang Sabado na puno ng pagmamahal at saya kasama sina Vice Ganda at ang buong ‘Showtime’ family. Isang espesyal na Father’s Day tribute ang handog nila kasama sina “Tawag Ng Tanghalan” hurados Marco Sison, Nyoy Volante, at Dingdong Avanzado. 

Isang daddy naman ang nakabingwit ng tatlong puso sa “Step In The Name of Love.” Sobrang aliw ng mga eksena, para kang nanonood ng masayang pelikula! 

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vhong, minasahe ni nanay Gracita | It’s Showtime | Cheezmis