← Back to Home

Leo Martinez at Angeli Khang, pasok sa "FPJ's Batang Quiapo"

Dagdag sa kalbaryo na haharapin ni Tanggol ang pagpasok sa "FPJ's Batang Quiapo" ng mga karakter nina Leo Martinez at Angeli Khang,

🕒 5/16/2025, 1:52:24 AM213 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Leo Martinez#Angeli Khang#Arthur Kwon#Veronica Kwon#FPJ's Batang Quiapo#Batang Quiapo#Tanggol#Coco Martin#Jake Cuenca#Albert Martinez#Christopher de Leon#Miguelito Guerrero#Ramon Montenegro#Roberti Guerrero#Tommy Abuel#Don Julio Montenegr#Gustvao Guerrero#Dante Rivero


Mauuwi sa isang mabagsik na harapan ang mag-amang Tanggol (Coco Martin) at Ramon (Christopher de Leon), laban kina Miguelito (Jake Cuenca) at Roberto (Albert Martinez) matapos magka-aberya ang isang malaking transaksyon nila sa droga.



Pero mukhang mas may matinding bakbakan pa ang naghihintay kay Tanggol dahil hindi na ito nagdadalawang-isip pa na muling kalabanin ang sariling amang si Ramon. Gusto na kasing kumalas ni Tanggol sa mga iligal na transaksyon ni Ramon at handa na siyang magbagong buhay para maging mabuting tao. 



Dagdag pa sa kalbaryo na haharapin ni Tanggol ay ang pagpasok sa serye ng mga karakter nina Leo Martinez at Angeli Khang, na mula sa isa sa pinakamakapangyarihang sindikato sa bansa at maaaring makabanggan ni Tanggol. 



Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live (KOL) sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Leo Martinez at Angeli Khang, pasok sa "FPJ's Batang Quiapo" | Cheezmis