Ang mga OA, mega slay! Sila ang mga OA sa kagandahan at awrahan, pati na sa performance level. Mga drag superstars, bumisita para umawra sa Day 4 ng MagPASKOsikat anniversary celebration ng "It's Showtime." Pero hindi nagpakabog ang mga pogi ng Showtime family na nag-transform bilang drag queens.
Who better to open this soafer pak na pak na production number than the Unkabogable Superstar herself, Vice Ganda, na reynang-reyna ang dating while singing. Call her ‘Mother’! Call her 'Majesty'! Call her 'Fanotra Phenomena'!
Ang bonggang mothering ni Meme sa entablado, sinundan ng isa-isang pagpasok ng mga drag superstars. NagPAKsikat sina Eva Le Queen, Turing, Shewarma at Popstar Bench. Fun and flirty ang energy nina Khianna at Angel Galang, at mas naging DRAGulous pa ang House of Ganda sa pagpasok nina Hana Beshie, Matilduh at Minty Fresh. Forda fierce naman ang arrive mga GOAT drag performers na sina Precious Paula Nicole at Viñas Deluxe.
Oh, pak! To the most bongga level ang fun sa DRAGpasikat dahil sa transformation ng Showtime boys na kinarir ang pagiging drag queens from head to toe. DRAGlamorous sina Jugs Jugueta as Erica Eureka, Vhong Navarro as Glutanya Lopez, Ogie Alcasid as Chona Agachona, Teddy Corpuz as Grande Ilongga at Ryan Bang as Unnie Batungbakal. At lalaban kay Beyoncé ang moves ni Jhong Hilario bilang Matamorphosis, na naniniwala sa kasabihang, "My eyes is 20/20 vision because slaying is my mission."
Nagpatuloy ang makulay na SLAYbration sa "Laro Laro Pick" segment kung saan bumida ang mga Solid Showtimers mula Mindanao. Biro ni Vice Ganda, ramdam na talaga ang edad nila sa kuwento ni player Maythan na bata pa lang ay pinapanood na ang programa lalo na noong O.T. era na umaabot hanggang alas kuwatro ng hapon ang kulitan at bardagulan. Bilang patunay ng kanyang loyalty, inutang pa ni Maythan ang pambili ng TV para lang makapanood ng “It’s Showtime.”
Para naman kay Solid Showtimer Tessy, hindi lang basta good vibes at tawanan ang sinusundan niya sa show, kundi talagang minahal na niya ang mga hosts nito. Ipinagdasal niya si Vhong nang dumaan ito sa matinding pagsubok, at sinubaybayan ang journey ni Jhong from hurado to politiko at ngayon bilang daddy kay Sarina. Eh, ano naman ang paborito niyang era ni Vice Ganda? Wala na ngang nagawa si Meme nang patunayan ni Tessy kung gaano siya kaseksi!
Lahat sila ay blessed pero ang itinadhanang maglaro sa jackpot round ay si Angela, mula Sultan Kudarat, na isang MAPEH teacher sa isang public school. Sa simula pa lang ay buo na ang loob ni Angela na pipiliin niya ang P1 million POT question, kaya si Anne Curtis na lang ang sumuko sa pagbibigay ng Li-Pot offer.
Wagi ang malakas ang loob! Sa tanong na, “Sinong It’s Showtime host ang may real first name na Herminio?” agad sumagot si Angela ng “Ogie Alcasid” na sakto dahil isa sa mga idolo niya. Pero napuno ng kaba si Angela nang magbiro si Vice at baguhin ang tanong on the spot! It’s a prank, Ma’am Angela! Tama ka talaga! Isang public school teacher ang magpapasko na may isang milyong piso!
Sa pagtatapos ng MagPASKOsikat, abangan kung sino ang ma-a-award-an bukas, Sabado, sa “It’s Showtime,” 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
